PAGLABAS ni Kristen ng ospital ay naghihintay na ang kaniyang mag-ama sa parking lot sa loob ng kotse. “Mommy!” agad na pagtawag sa kaniya ng dalawang anak na nasa backseat. Kaya naman sa front seat na lang siya naupo, sa tabi ng kasintahan. “Hi, my love. How was your day?” malambing na tanong sa kaniya ni Callum pagkapasok niya sa loob ng kotse at sinalubong agad siya ng halik sana sa pisngi, pero sinalubong naman niya ang labi nito ng kaniyang labi. Kaya naman ang nangyari ay naghalikan na silang dalawa at muntik nang makalimutan na nasa backseat lang ang kanilang kambal na anak na nakatingin sa kanila. “Look, Charlotte! Our parents shared a kiss!” “Yes, just like in a romantic movie.” “Indeed, when a couple kisses, it signifies their love for each other. How wonderful. I love it, C