Sumapit ang lunch time, hindi dumating si Callum sa ospital dahil may importanteng meeting daw ito sa kumpanya, pero may empleyado naman ito pinapunta ng ospital at nagdala ng pagkain. Kaya naman kumain na lang si Kristen sa loob ng kaniyang office kasama ang kaniyang PA na si Alie, pinagsaluhan nila ang pagkain na pinadala ni Callum. Marami itong pinadala, sobra pa sa apat na tao, hindi nila kayang ubusin, kaya pinamigay na lang niya ang iba sa mga kasamahan niyang doctor sa ospital. “Grabe, doc, hindi pa rin ako makapaniwala. Akala ko si Cadmus Dimitriou ang boyfriend mo. Pero hindi ko inaasahan na si Callum Lambert pala. Ang alam ko ay nag-iisang anak lang ’yon at nag-iisang tagapagmana ng Lambert Holdings,” wika ni Alie habang kumakain silang dalawa sa kani-kanilang office table. Iis