AFTER their wedding, everyone proceeded to the reception in the banquet room of the mansion at the hacienda. In-slice naman ng bagong kasal na sina Kristen at Callum ang malaking red cake na lagpas tao ang taas. Ang mga bisita ay isa-isang lumapit sa kanila at binati sila bago kumuha ng mga pagkain at kumain sa kanilang mga napiling table. Ngayon ay kasalukuyan na silang sumasayaw ni Callum sa malamyos na tugtog ng violin, at kasabay rin nila sa pagsayaw ang ilang mga guest kasama ang partner ng mga ito. Tahimik lang sila ni Callum habang sumasayaw. Nakayapos ang mga braso nito sa kaniyang baywang, habang siya naman ay nakayapos ang mga braso sa leeg nito. Nakatitig sa kaniya si Callum habang isinasayaw siya, pero siya naman ay nakatingin lang sa kawalan, tulala na naman habang sumasaya