SA ISANG private island nilang napagkasunduan ni Callum na mag-honeymoon, ang private island na pag-aari rin nito. At dahil nga honeymoon nila, napilitan si Kristen na iwan muna ang kaniyang mga anak pangangalaga ng ama ng mga ito. Gabi na nang dumating sila sa private island sakay ng chopper. Nagluto si Callum ng kanilang dinner, at habang nagluluto ito sa kitchen ay hinayaan niya lang nang mag-isa, bagkus ay naligo lang siya sa loob ng bathroom, nagbabad sa bathtub habang naka-lock ang pinto. “My wife! Are you inside?” malambing na pagtawag ni Callum na kumatok na sa pinto ng bathroom makalipas ang halos kalahating oras. “Naliligo pa ako!” she answered. “I’m done cooking, my love. Puwede ba akong pumasok?” he asked for permission. “Mamaya na lang, hayaan mo muna akong mapag-isa!”