TATLONG GABI lang ang kanilang naging honeymoon. And during their three-night honeymoon on the island, nothing intimate happened between them; gayunpaman ay hindi naman naging hadlang ’yon para hindi sila mag-enjoy sa kanilang honeymoon. Hindi naman kasi s*x ang basehan para maging masaya sa honeymoon ang bagong kasal. At lalong hindi s*x ang basehan para patuloy na mahalin ng lalaki ang isang babae ng tapat at totoo. Because in the first place, hindi naman s*x ang dahilan kung bakit na-inlove ang isang tao sa kanilang partner. Dahil kung s*x lang ang dahilan, hindi matatawag ’yon pagmamahal kundi tawag lang ng laman. Hindi hinayaan si Kristen ng kaniyang asawang si Callum na maging malungkot siya; kapag araw ay nag-e-enjoy sila sa pagligo sa dagat at panghuhuli ng isda, iniihaw nila; pa