PAGDATING niya sa mansyon ni Cedric ay iniwan niya lang ang kotse sa labas ng gate at pumasok na siya sa loob nang hindi na nag-doorbell pa, dahil kusa naman niyang nabuksan ang gate gawa ng alam naman niya ang password. Katahimikan ang namayani sa kaniya pagkapasok sa loob ng mansyon. Aakyat na sana sa stairs nang makarinig siya nang munting ingay mula sa kitchen. Kaya naman imbes na umakyat sa kuwarto ay mas pinili niyang pumunta na lang ng kitchen. Pagdating niya sa pintuan ay agad niyang nadatnan si Cedric na naghuhugas ng plato sa lababo. Hindi niya na mapigilan ang pagmasdan ito habang nakatalikod. Parang biglang nag-flashback sa kaniya ang lahat kung paano sila unang nagkakilala, naging magkaibigan, naging magkaaway, naging mag-asawa, nagkahiwalay, at ngayon . . . hindi niya aaka