PARANG gumuho ang mundo ni Callum na napahagulgol na lang sa loob ng simbahan at wala nang pakialam pa sa mga tao sa kaniyang paligid. Pinagsusuntok niya ang matigas na pinto ng simbahan at malakas itong pinagsisipa habang patuloy ang kaniyang pag-iyak at pagbanggit sa pangalan ni Kristen. Hanggang sa napahinto siya bigla sa pagwawala nang mapunta ang kaniyang tingin sa babae na ngayon ay nakatingin sa kaniya, pinapanood ang kaniyang pag-iyak. “It's all your fault! You b***h!” Nanlingas na ang kaniyang mga mata at sa isang iglap ay mabilis na nakalapit sa babae at diretso itong sinakal sa leeg. “How dare you ruin my wedding! Hindi pa ba sapat ang pera na binigay ko sa ’yo, ha!” galit niyang sigaw rito na hindi na kaya pang magpigil dahil tuluyan nang kinain ng galit. Halos hindi naman