NAGISING si Kristen na nakahiga na sa hospital bed at nakasuot na ng hospital gown, naka-capeline bandage na ang ulo kaniyang ulo at naka-plaster cast naman ang isa niyang braso. Sa pagmulat niya ng mata ay si Cedric agad ang nakita niya na mag-isang nakaupo sa may couch habang nakasandal at nakapikit ang mga mata, tila ba nakatulog na sa pagbabantay sa kaniya. Ginalaw naman niya ang kaniyang kaliwang kamay para sana alisin ang oxygen mask na nakatakip sa kaniyang ilong, pero hindi niya magalaw ang kaniyang braso, kaya naman ’yong kanan na lang ang pinantanggal niya. Nang maalis ang oxygen mask ay pinilit na niyang bumangon. Hindi pa niya mapigilan ang mapangiwi nahirapan siyang gumalaw gawa ng naka-plaster cast ang kaniyang isang braso at parang bugbog sarado rin siya, hinang-hina ang