1 Week Later KAKAUWI lang ni Cadmus kahapon mula sa kaniyang business trip sa New York, at ngayon ay balik opisina na naman siya sa Mishova's Holdings. “Good morning, sir!” sunod-sunod na bati sa kaniya ng mga empleyado pagkapasok niya pa lang ng building. Tamang tango lang ang isinagit niya sa mga ito at sumakay na sa kaniyang private elevator papunta 37th floor kung saan naroon ang kaniyang opisina. Pagdating niya sa kaniyang opisina ay agad siyang naupo sa kaniyang swivel chair at isa-isa nang binuklat ang mga files na nakatambak na sa ibabaw ng kaniyang table. Pero kasalukuyan na niyang binabasa ang isang files nang aksidenteng mapatingin siya sa isang picture frame na nakatayo sa ibabaw ng kaniyang office table at nakaharap sa kaniya. Bigla siyang napahinto at napatitig na sa litr