A GRAND wedding that fits only for royals, that’s how Rose Ann’s wedding was held. A golden wedding theme that was planned and coordinated by Don Joaquin. A celebration that calls for business exposition. An affair that meant for business. A wedding, that Rose Ann felt like a circus.
And Jamin, her husband who will be sleeping in the same bed with her from now on appeared to be nonchalant about it. He smiled his usual smile like he’s just dealing with the business trades. She felt a sudden shrill in her tummy, upsetting even her now growing doubts in this marriage.
Tiningnan niya ang paligid, magarbo at kaiinggitan ng lahat ng babaeng nangangarap na makasal sa ganitong tema. Hindi ganitong kasal ang gusto niya. Hindi sa ganito niya nais magsimula ang buhay may-asawa. Maging dito ba naman ay ang galamay pa rin ng kanyang ama-amahan ang nanguna.
Nahigit niya ang hininga nang masilip ang lalaking lihim na hinahangaan nang kaytagal na panahon na papalapit sa kanya. Pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang dibdib sa sobrang kaba. Pinigil niya ang sariling mapaluha sa sobrang kaligayahan. Hindi na baleng naging circus ang kasal niya, ang importante ay makakapiling na rin niya si Jamin sa totoong buhay at hindi isang pangarap na lamang.
Naghanda siyang bumati rito at ngumiti nang pagkatamis-tamis pero ganoon na lamang ang kanyang pagtataka nang lumihis ito ng daan na parang hindi siya nakita. Kumaliwa ito papuntang green house. Katulad nang kagustuhan ng ama-amahan, sa malawak na mansiyon nga nila ginawa ang kasal. Kaya naman alam niya kung saan susundan ang asawa.
Halos patapos na rin ang kasiyahan kaya naman wala ng masyadong bisita. Tatawagin na sana niya ito nang tumigil ito at nanatiling nakatayo, parang may hinihintay. Naitanong niya tuloy sa sarili kung siya nga ang hinihintay nito.
Nahihiyang napangiti siya. Akmang lalapitan na niya ang asawa nang may bigla na lang yumakap sa tagiliran nito. Tiningnan nito ang babaeng nasa tabi, nginitian at saka walang pasintabing humalik pabalik, na nauwi sa marubrob na paghahalikan.
Natuod siya sa kinatatayuan. Nanatili ang kanyang paningin sa mga ito, hindi pa rin makapaniwala sa nasasaksihan. He was supposed to be her husband. She was supposed to be the one he’s kissing. Not that woman!
“J-Jamin?” Nangangatal ang pangang tawag niya. Gusto niyang makasigurong asawa nga niya ang kahalikan ng babaeng iyon.
Natigil ang dalawa sa paghahalikah. Lumingon ang mga ito sa kanya. Nang tuluyan nang makaharap ang lalaki, ngumisi ito. Ngising ngayon lang niya nakita.
“Rose Ann.” He answered in a distant tone.
Nanikip ang kanyang dibdib. Hindi siya makahinga. Hinapit niya iyon na para bang sa ganoong paraan ay luluwag ang kanyang pakiramdam. Tuloy-tuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha. Hindi siya makahagilap ng masasabi.
“Jamin, we got caught,” saad ng babae pero wala namang kahalong takot sa boses nito.
“You can go now, Asha. I will see you in the office tomorrow.” Kumindat pa ito rito.
He was flirting with her. They were flirting right in front of her. Napayuko siya. Hindi niya matagalan ang nakikita. Gusto niyang tumalikod at tumakbo. Gusto niyang umalis at magkulong sa kuwarto. Gusto niyang matulog at magising na sana ay bangungot lang ang lahat. This is not true. It is not true! Sigaw ng utak ni Rose Ann.
“What do you want, Rose Ann?” Nagpamulsa si Jamin.
Hindi pa rin nag-aangat ng mukha si Rose Amm. Sigurado na siya, sinadya nito ang nakita niya. Pero bakit? Bakit?
“The last visitor just left. It is time for me to go as well.” Humakbang si Jamin.
“W-wait…where are you going?” Napilitan si Rose Ann na tingnan ito.
“Home.” Hindi tumitinginging sagot nito.
“Home? Your home?”
“Where else do you think?” he sounded bored.
“But…our honeymoon-”
“Honeymoon?” He turned to her, stepped closer until he was towering her.
Kinakabahang napatingala siya Rose Ann dito.
“Did you like it that much, huh? Do you want us to do it again just like that? Alright, Rose Ann, give me the drug then and let us f**k like dogs in heat.” He smirked.
NO!
“And I thought you are an angel. You are an angel alright…an angel in bed!” Gritted his teeth.
“Jamin. Let me explain.”
Sarkastiko itong tumawa. Tawang hindi umabot sa mga mata. Matalim na mga titig ang ipinukol nito sa kanya. “Explain then.” Walang interes nitong dugtong.
Sunod-sunod na lagok ang ginawa niya sa laway na nakabara sa kanyang lalamunan. Ikinuyom niya ang mga kamay na nanginginig. Pinatigas niya ang panga para hindi manginig pati ang boses. At sinabi nga niya ang nangyari nang araw na iyon.
Malakas itong tumawa. Tawang nang-uuyam. “So, are you saying it was all you father’s fault? That he manipulated us? In that hotel? And called over those gossiping rats?”
“Totoo ang sinasabi ko.”
“You know what is funny, Rose Ann…your father said the same thing. Ang kaibahan lang, ikaw raw ang may pakana sa halip na siya. He said you begged him on your f*****g knees just so you can marry me. Just so you can finally love me. Tell me, do you love me?”
Pumatak na muli ang kanyang mga luha. Alam niya, mahihirapan siyang burahin ang kasinungalingang idinikta ng ama-amahan sa isipan nito.
“Tell me your feelings about this charade, this wedding, the hotel, your kindness, your feelings…tell me, Rose Ann.”
Kahit ano pang sabihin niya sa ngayon, malabong maniwala ito. Ang magagawa niya sa ngayon ay ang maipakita rito na sinsero siya sa nararamdaman para rito.
“M-mahal kita. Noon, at ngayon…mahal kita Jamin.”
Mariin siyang tinitigan ni Jamin. Nakipagtitigan din siya. Halos hindi na nga siya humihinga na para bang isang galaw lang niya ay baka mapagkamalan nitong pagsisinungaling niya. Pagkuwa’y ngumisi ito.
“Rose Ann Romero Alejandro…you can have my name, but you can not have my heart. Let us be clear about that. I know your father’s lies. And I also now know your own. I am just a man who is weak to your temptation, but I am still the same man who has the sane mind to not be fooled by you.”
Hindi siya nakaimik. Ni hindi niya ito sinundan nang magpatuloy na ito sa pag-alis. Pinanlabuan siya ng mga mata dahil sa mga luhang patuloy sa pagbalong. Ano nga ba itong pinasok niya? Tama nga bang nagpakasal siya ganoong alam niyang nagsimula sila sa malisyosong hangarin?
“ROSE ANN! What are you doing here? Kanina pa nakaalis si Jamin a!” Galit na tinig ng ama-amahan.
“It is your fault, Papa…this is all your fault!”
“Sundan mo ang asawa mo! May kasunduan tayo. I gave him to you so now, give me what I want!”
“Ayoko! Hindi ko siya lolokohin katulad nang gusto ninyo.”
Isang malakas na sampal ang lumagapak sa kanyang pisngi. Nasadlak siya sa bermuda grass. Nalasahan niya ang dugo sa loob ng bunganga.
“Your bags are ready. The driver will send you to his condo. Fix yourself and follow your husband wherever he goes. I want you to repert to me everything he does, do you understand?”
Tumayo siya. Hindi siya sumagot. Inayos niya ang nadumihang wedding gown.
“Answer me!” Hinaklit siya nito sa braso.
Matalim na mga tingin lang ang ibinigay niya rito.
Pagkuwa’y marahas na bitaw ang ginawa nito. Naramdaman niya ang paglagutok ng buto sa braso pero hindi siya umaray. Nagmamadaling humakbang siya palayo, palabas ng impiyernong mansiyon na iyon pagkapalit ng damit. Sumakay siya sa naghihintay na puting Lexus car ng ama-amahan at hindi lumilingong nilisan niya ang lugar na iyon na kung maaari lang ay ayaw na niyang balikan pa.
JAMIN’S condo. Tumingala siya at binilang ang floor kung saan ito nakalagi. This is a man’s loft. A woman like her has no place in here, especially her. The building design is made of glass, a living place for bachelors.
“Sa twentieth floor ho ang unit ni Mr. Alejandro. Pero Miss, ano hong pangalan ninyo?” tanong ng security sa lobby. Pakiramdam niya ay nasa hotel lang siya.
“Rose Ann Romero.” Nakangiti niyang sagot.
May tiningnan ito sa computer na nasa harapan. Binigyan siya nito ng dalawang ulit na tingin bago uli nagsalita. “I’m sorry, Miss pero walang ganyang pangalan sa list of visitors ni Mr. Alejandro.”
“Oh! I’m sorry. Kakakasal lang kasi namin kaya hindi pa ako sanay gamitin ang pangalan niya. I’m his wife, Rose Ann Romero-Alejandro. Please have a look again.” Nahihiya niyang paumanhin.
Muli ngang tumingin sa computer ang guard. Pagkuwa’y nagkakamot ng ulo na humarap uli sa kanya. “I’m really sorry, Miss pero wala pa rin sa listahan ang pangalan ninyo.”
Pakiramdam niya ay dinagukan siya sa dibdib. Maaaring nakalimutan lang ni Jamin na banggitin ang tungkol sa kanya. Wala rin naman kasi itong sinabi sa kanya kung saan siya tutuloy sa lugar nito. Basta na lang siya dito ipinahatid ng ama-amahan.
“Ahm, Miss, maupo na lang muna kayo sa waiting area. Mukhang mabibigat iyang mga bag ninyo e.” Tukoy nito sa tatlong malalaking maleta ng mga gamit niya.
Itinuro nito ang waiting area na may dalawang mahahabang sofa, naupo siya sa isa.
“Hindi pa kasi dumarating si Mr. Alejandro kaya rito na lang muna ninyo siya hintayin. O kaya tawagan na lang ho ninyo baka sakaling mas mapabilis ang pagbalik niya, lalo pa’t kakakasal lang pala ninyo.” Sinserong ngiti nito.
“M-maraming salamat. Sige, tatawagan ko na lang siya.” At iniwan na siya nitong mag-isa para bumalik sa puwesto.
Kanina pa siya nakaititig sa cellphone pero hindi niya alam ang numerong dapat tawagan. Ayaw naman niyang tanungin sa security at baka mapagkamalan pa siyang sinungaling. Asawa niya si Jamin pero ‘di man lang niya alam ang phone number nito.
Buti na lang at itim na slack pants and long sleeves na white frills blouse ang suot niya. Kahit paano ay ay hindi siya gaanong malalamigan sa malakas na aircon sa loob ng building. Kinuha niya ang mahabang jacket at isinuot iyon. Sumandig siya sa sofa at hinayaang pahingahin ang nananakit na mga paa dahil sa matataas na mga takong ng sapatos. Foot spa is what she needed right now.
Napakislot siya sa isang matinis na halakhak. Napadiretso siya ng upo, hindi niya namalayang nakatulog pala siya. Agad niyang tiningnan ang pinanggalingan ng halakhak. Ganoon na lamang ang disappointment niya nang makitang naka-akbay ang isang braso ni Jamin sa babaeng may-ari ng mga tawang iyon.
Siya namang nakita niyang pagturo ng guwardiya sa kanyang kina-uupuan, at paglingon ni Jamin sa kanya. Nagkatinginan sila. Tumayo siya para lapitan ang mga ito. Nginitian niya ang alanganing reaksiyon ng guard. Sinabi niyang asawa niya ito pero heto at may kalandiang ibang babae.
“Hi, Jamin.”
“Hello, my wife.” He sneered.
“I’m his wife.” Saka niya hinarap ang babaeng kaakbay nito.
Napatangang napatingin ang babae sa asawa. “Kailan ka pa nag-asawa?” Gulat na tanong nito.
“This afternoon.” Jamin laughed.
“What the hell!” Marahas na kumalas ang babae.
“You didn’t ask.” Nagkibit-balikat si Jamin.
“Then why the hell did you bring me here?” Galit na ang babae.
“To fool around?” Natural na sagot lang ni Jamin.
Nasasaktan siya sa mga sinasabi at ikinikilos nito.
“But she’s here, your wife?”
“Oh…” Tiningnan siya ni Jamin. “I did not invite her to come, that’s why she’s still down here.”
“J-Jamin.” Nakuyom ko ang mga palad.
“Ayokong masali sa problema ninyong mag-asawa. I will see you next time. Goodnight.” Tumalikod na ang babae at umalis.
“So, I’m really married, huh?” Inismiran siya nito.
“Jamin.”
“Rose Ann, don’t expect any kindness from me.” Saka siya nito tinalikuran.