ISANG folder ang binaba sa harapan ni Levi, may pagtataka na dinampot iyon. At bigla na lang siyang kinabahan. “Ano ang mga ito, Kuya Luke?” tanong ni Levi. “Sa tagal ng panahon na hinanap ko ang mga taong yan. Nasa paligid lang pala.” ani Luke, salubong na rin ang makapal nitong kila. Kakaiba din tumingin sa kanya na tila may pagdududa. Kumakabog ang dibdib ni Levi, dasal niya na mali ang nasa kanyang isipan. “Sino pala ang mga ito, Kuya Luke?” “Talaga bang wala kang alam sa mga taong yan? O baka naman dahil may taong pinoprotektahan ka, brother?” panghuhuli nito kay Levi. Napalunok ng sunod sunod si Levi, pero sinisikap pa rin na walang mahalata ang kapatid. “Ano ba ang sinasabi mo, Kuya Luke, pakilinawin dahil hindi kita maintindihan.” “Scorpion tattoo, kilala mo ang mga taong yon