NANG matapos ang putukan, agad na kinapa ni Levi, ang katawan ni Savannah. Hindi matatawaran ang takot niya kanina sa pag-akakalang tinamaan ang asawa. Lumitaw si Ruins kaladkad ang isang babae. Kasunod si Josh, at Troy. “Sorry medyo na late kami, huli na ng tumawag itong si Ruins.” “Anong grupo ang umatake?” tanong ni Levi, kay Ruins. Alam niya na binuksan nito ang global secret communications ng kalaban. Ginamit na naman nito ang code ng kalaban na nakuha ni Wyatt. Kaya nalaman nitong may mangyayari na pag atake. “Hindi sila mga tauhan ni Agnes, kakaiba ang tattoo nila, snake. Nakalagay sa bandang siko medyo taas ng braso nila.” “Snake? Natatandaan mo ang kulay? O anong klase na ahas yon?” tanong ni Levi. “From the west underworld organization. Naka base sila ay sa Macau. Kung hin