MAGKIKITA sila ni Lady Frozen. Ngunit nasa higaan pa rin siya. Pakiramdam ni Savannah, kulang pa siya sa tulog. Maliwanag na ng tigilan siya ni Levi, at heto nga masakit ang buong katawan niya. Tumunog ang kanyang cellphone. Hindi sana niya yon sasagutin ngunit nasa screen ang pangalan ni Lady Frozen. Inabot niya iyon at tinanggap ang tawag. Pinasigla din niya ang boses upang wala itong mahalata. “Nasaan ka na ba?” mataray na tanong nito sa kanya. Hindi na talaga nawala ang sobrang kasungitan ng babaeng ito. Kaya nga hanggang ngayon walang nagiging nobyo. “On the way na.” aniya sa kaibigan kahit ang totoo ay maliligo pa lamang siya. Kung hindi lang mahalaga ang pag-uusapan nila. Gusto niyang kanselahin na sana ang pakikipag kita sa kaibigan. Naglakad siya papasok sa loob ng banyo kahit