PINAUBAYA na lang ni Savannah, kay Levi, ang plano. Pansamantala at umalis siya ng falls. At lumipat sa Hacienda Villa Samonte, para masiguro ang kaligtasan ng mga anak. Gabi, napaka liwanag ng buwan. Full moon kaya kitang kita ang buong paligid. Marami din bituin ay malamig ang simoy ng panggabing hangin. Ganun pa man hindi makatulog si Savannah. Nakatayo siya sa veranda iniisip niya ang kalagayan ng asawa. “Selos, kaya hindi ka makatulog. Iniisip mo na baka muling maakit si Levi, sa babaeng yon.” “Wala akong iniisip na ganun, nag-aalala lang ako at normal lang sa isang asawa ang ganun.” hindi niya aaminin kay Maggie. Lalo lang siyang aasarin nito. “Kung ganun ay matulog ka na, bukas pag gising mo sigurado may balita na sa asawa mo.” “Mauna kana at sigurado naghihintay na sayo ang iy