ANG ama ni Nancy na si Samuel Jimenez, ang sumalubong sa kanila. Alam ni Levi na kinakabahan ito dahil sa biglaang pagdating niya. Siguro iniisip na meron na naman ginawang mali ang anak nito. Dahil din sa pakiusap nito noon. Kaya hindi niya binigyan ng matinding parusa ang kinakapatid. Ganun pa man nangako ito na kontrolado nito ang anak. “Anong maipaglilingkod ko sa inyo, Master Jed?” “Hindi ikaw ang kailangan ko, kundi si Nancy, nasaan siya?” “Naroon sa kubo, tatawagin ko ba?” “No! Ang gawin mo ay dalhin kami sa kinaroroonan niya.” “Okay, m-may nais ba kayong inumin ng kasama mmo, Master Jed?” “Wala, hindi rin naman kami magtatagal.” sagot ni Levi kay Samuel, bago nilingon si Savannah. “Sino pala siya… ang ibig kong sabihin magkaibigan ba silang dalawa ng anak ko?” “Siya ang tao