NAKAKAMANGHA ang kagandahan ng paligid. Perpekto ang pagkaka landscape simula sa labas ng gate hanggang makapasok sa loob. Pagpasok pa lamang nila pakiramdam ay nasa ibang dimension sila. “It’s really beautiful! Pwede bang mahiram ang falls na ito sa honeymoon ko?” seryosong tanong ni Dyosa ng Kagandahan. Ngunit may bagay na tumama sa katawan nito. Paglingon nila ay nagulat pa sila ng naroon likuran nila si Dra. Pauline kasama si Miles at Lindsay. “B*tch! Bakit naririto kayo?” “Bakit ganyan ang tanong mo sa amin? Asawa kami ng mga Montemayor, natural anytime pwede kaming magtungo dito, huh!” sagot ni Dra. Pauline. “Oo nga naman nakalimutan ko asawa pala kayo ng mga bastardo, huh!” nakataas ang kilay na sagot ni Dyosa ng Kagandahan. “Na timing lang na birthday ni Miles, dito siya nagya