ANG buong akala ni Savannah, biro lahat ng sinabi ni Levi, ihi lang ang pahinga. Totoo pala talaga patunay sa pinaggagawa nito sa kanya. Katatapos lang nila sa mainit na tagpo ng yayain siya ni Levi, kakain daw sila. Totoo naman pero pagkatapos ay siya pala ang gagawin dessert ng loko. “T-Tama na, Sir Levi, ubos na ang energy ko.” Reklamo niya pero ang kanyang katawan ay tila walang katapusan ang pagkauhaw. Heto at panay na naman ang liyad niya sa nakakabaliw na ligaya. “Naililiyad mo pa nga ang katawan mo, yan ba ang wala ng energy? Sabi ko naman sayo babawiin ko ang mga panahon na pinasabik mo ako. Hanggang may lakas pa ako at nakakalakad ka ay hindi tayo hihinto.” Napatitig si Savannah, kay Levi, hindi niya inakala na maririnig sa bibig nito ang mga katagang yon. Ano ba itong lalaki