NAKATANGGAP ng mensahe si Levi, hawak daw ng mga tauhan ni Israel si Savannah. Kaya agad siyang tumakbo papasok sa isang secret room. Sinundan naman siya ni Liam. “Anong gagawin mo at saan ka pupunta. Hindi ka pwedeng lumabas ng mansyon. Mas mapanganib para sayo!” “Huwag mo akong harangan hawak nila si Savannah!” “Sinong nagsabi sayo at naniwala ka naman? Alam mong nasa labas ng City ang baluarte ni Israel. Napaka delikado ng papasukin mo, brother!” “Iba ang pakiramdam ko, nasa panganib siya!” “Kung ganun ay sasama ako, hindi kita pwedeng payagan mag-isa! Lalo at wala si Ruins!” “Walang maiiwan dito, kaya dito ka lang at kahit ano pa ang mangyari. Hindi mo iiwan ang lugar na ito! Sakaling mapapasok ng kalaban ang mansyon. Alam mo ang secret exit door, wag na wag mong kakalimutan ang