KASALUKUYAN sumasakit ang tiyan ni Savannah. At patungo na sila sa Gonzalgo VIP Private Hospital. Habang papalanding naman ang eroplanong kinalululanan ng mga magulang na si Mr. Elesio Mondragon & Mrs. Laveniah Montenegro. Ilang minuto pa ang lumipas at tuluyan ng nakalapag ang eroplano. Hanggang huminto at nagbabaan ang ng pasahero. Mabilis ina inayos ni Mrs. Laveniah M, ang tela na nakatakip sa kanyang ulo. Isinuot ang shades bago tumayo at naglalakad pababa. Nasa likuran si Mr. Elesio Mondragon, kasama ang sikretong mga bodyguard. Patungo na sila sa arrival area ay tumatawag si Mrs. Laveniah M, sa anak na si Savannah. Ngunit hindi niya ito magawang kontakin. Walang signal iyon lagi ang sinasabi kapag dinadayal niya ang numero ang anak. Si Mr. Elesio, hindi rin mapalagay. Ilang or