TINALON ni Savannah, si Levi, sabay silang bumagsak sa semento. Isang bala ang tumama sa balikat niya. Ngunit hindi iyon iniinda, walang nasa isipan kundi ang kaligtasan ng lalaking minamahal. Pumikit na lang siya at hinintay ang kamatayan. Ngunit agad din na padilat ng may humila sa kanya. “Let’s go!” Nilinga niya ang babaeng humila sa kanya. Hindi ito si Lady Frozen, hindi rin ito si Lady Samurai. “Lady Monster, paano mo nalaman na naririto ako?” “Mamaya na tayo mag-usap, hurry! Sobrang dami nila, umalis na tayo bago sila magdatingan.” “Hindi ko pwedeng iwanan si Levi!” “Nariyan na ang mga pinsan niya at ibang mga tauhan. Hindi ka pwedeng makita ni Hedios!” “Princess Raccia, please take care of her.” “ I will, bye.” Hinila na siya ni Lady Monster. Bago siya sumakay sa sasakyan a