HINDI mawala sa isipan ni Levi, ang babaeng bigla na lang lumitaw. Nang mga oras na yon aminado siya na kung wala ito baka nasugatan siya. O maaaring may masamang nangyari sa kanya. Pagod na ang katawan niya sa matinding laban nila ni Hedios. Kung sino man ang familiar na babae na humila sa kanya ay lihim na pinasalamatan. Masasabi niyang ito ang nagligtas sa kanya sa nagbabantang kapahamakan. “Ano ang iniisip mo, Levi?” tanong ng kapatid na si Liam. “Naisip ko lang ang babaeng biglang lumitaw ng dumating ang mga mukhang assassin. Kundi niya yon ginawa baka nasugatan ako o maaaring namatay na ako. Sa palagay ko ang limang yon na umatake sa amin ni Ruins ay mga tauhan pa rin ni Hedios. Ang nakapagtataka bakit pare pareho ang suot nila? “Anong itsura ng babaeng sinasabi mo, Levi?” tanon