KAHARAP ni Levi, ang tiyuhin na si Chairman Dave Montemayor. Ganun din ang mga pinsan niya na President at CEO sa iba’t-ibang branch ng Montemayor’s Car Company. Pati na ang lahat ng malalaking investors. Ang malaking pagpupulong na nagaganap ay tungkol sa plano nilang pagbubukas ng isa na namang manufacturing car company sa bansang Asia. Ang isa pang dahilan ay nais ni Chairman Dave Montemayor, bumaba na sa pwesto. Subalit halos lahat ay tumututol, lalo na ang bunsong anak nito na si Tristan. Ang siyang tunay na may-ari ng car manufacturing company sa iba’t-ibang panig ng mundo. “Bakit hindi mo tanggapin ang pwesto ni Uncle Chairman, kung talagang desidido na siyang iwanan ang opisina niya.” Tanong ni Chariz. “Baka hindi ko kayanin, alam nyo naman kung ano ang mga responsibilidad ko