HINDI pa rin makapaniwala si Savannah, sa pagkawala ng billboard niya. Sa isang gabi lang naglahong parang bula ang lahat. Sa ibang bansa pati na sa iba’t-ibang panig ng mundo ay isa-isa ring nawawala. Ganun kalakas ang impluwensya ng taong gumawa non? Hindi lang yon may isyu na kumakalat tungkol sa ilang investment niya. Ganun din sa kanyang mga bank account. Ang pera daw niya ay galing sa illegal. At bigay ng malalaking negosyante na naliligaw sa kanya. May pinakamalaking pinagkakakitaan daw siya mula sa underworld organization. Nanghihina na paupo si Savannah, tumulo ang kanyang luha. Ngayon pa lang nararamdaman na niyang lahat ng pinaghirapan niya ay mawawala. Patunay na rin ang ilang oras pa lang nagsimula na nag mabilis na pagbagsak ng career niya. Samantala, nakamonitor si Levi,