PROBLEMADO si Aliya kung saan niya ilalagay ang ibang karne at gulay na nabili niya. Puno na kasi ang ref. Puro karne ng baka ang nasa freezer at wala nang space para sa manok niya. “Iluto ko na lang itong mga pakpak ng manok. May nabili naman akong breading mix. Itong mga hita, ibabad ko na para bukas iihawin na lang. Tama!” kausap niya sa sarili. Uminit na naman ang bunbunan niya nang makita ang isang bote ng bagoong, na dapat ay ketchup. Gagamitin sana niya ‘yon sa pag-marinade ng chicken barbecue. Gigil niyang pinisil ang kalahati ng lemon. “Talaga naman, Alejandro! Gigil mo’ko, eh!” usal niya. Napalakas ang piga niya sa lemon kaya talsikan ang katas nito at tinamaan pa ang isang mata niya. Napasigaw siya sa sakit at nangangapang lumapit sa lababo. Binuksan niya ang gripo at naghil