HINDI umidlip si Aliya at nagluto siya ng leche flan. Marami kasi silang itlog at may mga basag. Binigay ni Vladimir ang isang tray ng itlog na sobra sa order nito. Kumpleto naman ang sangkap niya pero fresh milk ni Alejandro ang kaniyang ginamit. Meron naman tindahan sa kapitbahay at nakabili siya ng condensed milk. Ang egg whites ay ginawa niyang parang lumpia wrapper pero ang toppings ay para sa pizza. Nagising na si Alejandro at may hinuhukay sa hardin. Lumabas siya ng bahay at sinilip ito. Naghuhukay na ito ng lupa sa mismong malawak na espasyo sa unahan ng swimming pool. Naipon na rin doon ang mga bakal na para sa greenhouse. Nasabik siya nang maisip na sisimulan na ni Alejandro ang paggawa ng greenhouse. Nilapitan niya ito at nakiusyoso. “Gagawin mo na ang greenhouse, Ale?” tanon