“DON’T mind, Alejandro. His dark rumor was terrible,” amuse na sabi si Chase. Matabang na ngumiti si Aliya. Ayaw na matahimik ng isip niya at gustong umusisa sa buhay ni Chase kaso pabalik-balik ng kusina si Alejandro kaya hindi siya makatsismis. Lumabas na lamang si Chase at nanood ng telebisyon. Nang lumambot ang patatas ay hinanap na ni Aliya si Alejandro. Nasa labas pala ito at nagpapakain sa mga aso. Nilapitan niya ito. “Ale, malambot na ang mga patatas. Ano ang susunod na step?” tanong niya. “Wait,” malamig nitong tugon. “Sige. Hintayin na lang kita sa kusina.” Bumalik siya sa loob ng bahay. “Ano’ng lulutuin mo, Aliya?” tanong naman ni Chase. “Kuwan, baked potatoes. Kaso hindi pa ako marunong, eh.” “Turuan na kita.” Tumayo si Chase at sumunod sa kaniya sa kusina. “Nalaga ko