ISANG sandwich lang ang kinain ni Aliya at isang nilagang mais. Nakaluklok siya sa duyan may isang dipa ang pagitan sa puwesto nila Alejandro. Naroon na rin si Vladimir at kasama sa meeting. Nanrindi ang tainga niya dahil may halong Latin ang salita ng mga lalaki. Nagbukas lamang siya ng audio recorder sa kaniyang cellphone para hindi siya mahirapang umintindi sa usapan. Bahala na si Mr. R ang umintindi nito. Ang tagal ng meeting ng tatlong lalaki, naiinip na siya. Nang lumapit sa kaniya si Kuro ay binuhat niya ito at pinahiga sa kaniyang dibdib. Inangat naman niya ang kaniyang mga paa at inugoy ang duyan nang malakas. Umangal si Kuro at gustong magwala. Nahihilo malamang ito. Bigla namang lumapit si Moris at tinatahol siya, sumasayaw at gustong mahuli ang duyan. Lalong nagwala si Kuro