“ENEL!” sigaw ni Aliya nang masaksihang tinamaan ng bala sa kanang balikat si Enel. Nakahinto na ang kotse nila at umuusok sa harapan. “I’m fine. We need to move to the backup car, Aliya!” ani Enel. Inatake na ng kalaban ang kotse ng escort nila sa harapan kaya napalaban na rin. “We need backup, we’re under attack!” sabi ni Enel sa kausap nito sa cellphone. Sinabi rin nito ang location nila. Bumabaril ito sa kalaban. Kumilos na si Aliya at inilabas ang kaniyang baril. May mga agents silang dumidepensa sa kanila ngunit hindi sapat dahil may kalabang bumabaril mula sa helicopter. “Move, Aliya!” ani Enel. Binuksan na niya ang pinto ng kotse at lumabas karga si Kuro. Lumabas na rin ang mga aso at sumunod sa kanya. May dumating pang mga naka-kotseng kalaban na humarang sa daraanan nila.