TUYO na ang isinalang ni Aliya na labahin sa machine. Inabangan lang niya ito sa dulo ng machine at mainit-init pa. Itutupi na lang ito. Naunang natapos si Enel sa laundry at iniwan na siya roon. Nagkasundo na sila na patagong makipag-ugnayan at makabuo ng plano kung paano malusutan si Mr. R. Ibinigay niya kay Enel ang social media account niya para sa mas madaling transaksiyon. Kung harapan kasi sila mag-usap, baka magduda si Alejandro. Kailangan niyang sundin ang payo nito. Pagbalik niya ng kuwarto ay wala na roon si Alejandro, wala ring naiwang kalat. Malamang ay nasa laboratory na ito. Ibinalik naman niya sa kama ang alabhang sapin at kumot, maging punda ng unan. Nag-aapura siya sa kagustuhang makahabol sa laboratory, kaso oras na ng tanghalian. Mayamaya ay dumating si Alejandro. “