NANGALAY ang mga braso at binti ni Aliya matapos ang ilang oras na pagbaril. Ginutom din siya kaya pagkatapos ng firing ay nagluto siya ng meryenda na spaghetti at lumpiang isda. Hindi muna siya naligo at naghugas lang ng maligamgam na tubig. Pumayag na kasi si Alejandro na mag-night swimming sila sa dagat. May meeting pa si Alejandro at ibang opisyales pero pinahatid niya sa agents ang meryenda ng mga ito sa opisina. Mag-isa siyang kumain sa kusina dahil busy lahat ng tao roon. Gabi na ulit nakita ni Aliya si Alejandro at oras na ng hapunan. Wala siyang nakuhang update na puwedeng mai-report kay Mr. R kaya dedma ang tawag nito. Pero hindi niya puwedeng ignorahin ang lalaki kaya nag-send siya ng mensahe at sinabi lang na wala siyang pagkakataon na makapuslit ng detalye. Pagkatapos ng ha