PINAPASOK pa ni Alejandro ang lalaki sa loob ng bahay kaya lalong hindi mapakali si Aliya. Ang lalaking ‘yon ay si Enel, na miyembro ng mafia organization na isa sa kalaban ni Mr. R at gustong pabagsakin. Nang maluto ang inihaw na isda ay pumasok ng bahay si Aliya pero sa back door dumaan para hindi siya makita ng bisita. Dumiretso siya sa kusina. Tinakpan lang niya ang isda sa ibabaw ng lamesa. Sumilip siya sa labas at namataan si Enel na kausap ni Alejandro sa may lobby. Dinig niya ang usapan ng mga ito habang magkatapat ng couch na inupuan. “He’s also in the Philippines, boss,” batid ni Enel kay Alejandro. “Where in the Philippines?” tanong naman ni Alejandro. “I’m not sure, but he’s hiring more agents to monitor your movement. Pero sinabutahe na rin niya ang ibang operations ng dad