NAGPATULOY ang tutorial nila ni Maya at Aliya. Aliw na aliw naman si Aliya sa mga karanasang ibinahagi ni Maya. Bigla siyang kinilig nang dumating ang sinasabi nitong si Yoshin, may kasamang pogi ring lalaki. Medyo may hawig nga ang hilatsa ng mukha ni Yoshin kay Alejandro, parehong seryoso at matatapang ang mga mata, animo tigreng galit kung makatitig. “Ex-boyfriend mo ba si Yoshin, Maya?” usisa niya. “Hindi! Ex-boss. Nagtrabaho ako sa kanya noon sa Italy,” ani Maya. “Eh, bakit may nangyari sa inyo?” “Kasi nga nagustuhan ng g*gong ‘yon ang unang tagpo namin sa bar kung saan ako nagtrabaho noon. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya bakit natanggal ako sa trabaho. Wala akong choice at need ko ng bagong work, kaya tinanggap ko ang alok na trabaho ni Yoshin. Kasambahay lang naman niya a