TAPOS nang kumain si Alejandro kaya mag-isa sa dining si Aliya. Hindi siya kumain dahil akala niya’y hindi pa rin kumain si Alejandro. Nauna na pala ito, marahil ay dahil sa sama ng loob. Si Kuro na lang ang kasama niya dahil umungot ito ng pagkain. Alas-nuwebe ng gabi na siya nakapasok ng kuwarto at wala roon si Alejandro. Nagbihis lang ito at iniwan ang basang damit sa banyo kaya kinusot niya. Nauna kasi itong nagbanlaw. Pagkatapos maglaba ay binulabog niya si Romano sa chat. Pinagmumura niya ito pero wala itong sagot kaya lalo siyang nainis. “Animal ka! Wala kang kuwentang tao!” gigil niyang usal habang nagtitipa ng mensahe para kay Romano. Tumigil lang siya nang bumukas ang pinto at pumasok si Alejandro, nakasimangot. Kaagad itong naghubad ng damit at pumasok ng banyo. Inilapag na