ALAS-SINGKO na ng hapon nakalabas ng gusali si Aliya. Katatapos lang kasi ni Alejandro sa trabaho nito sa laboratory at nagyayang maligo sa dagat. Isinama nila ang mga aso at si Kuro pero takot sa dagat ang pusa niya kaya naiwan sa ibabaw ng lamesa. Game na game naman ang tatlong aso ni Alejandro sa paglangoy kasama nito. Hindi tuloy makalapit si Aliya sa binata dahil puro aso ang humaharot dito. Si Kaizo na takot sa alon ay panay ang yakap sa binti ni Alejandro. Nagpabuhat na ito sa amo. “Hoy, Kaizo! Ang laki mo na, magpapakarga ka pa sa daddy mo!” sita niya sa aso. Lumapit din siya sa mga ito at sumampa sa likod ni Alejandro. Kaso si Kuzan naman at Moris ang pilit sumasampa sa likod niya. Tawa siya nang tawa dahil nagagalit na si Alejandro. “Kuzan, Moris! Back off!” sigaw ni Alejandr