NAPAHIKBI na si Aliya habang nakatingin kay Alejandro. Pinatayo na ng mga lalaki si Alejandro at pilit sana’y ipapasok sa van ngunit bigla nitong sinipa ang kamay ng leader na may hawak sa baril. Nakuha nito ang baril. Ang bilis nito at pinagbabaril sa hita ang mga lalaki.
Natulala si Aliya nang matamaan din ng baril sa braso ang lalaking gumapos sa likuran niya. Sharp shooter pala talaga si Alejandro! Nakalaya siya at nasipa sa leeg ang lalaking nakayukod sa likuran niya. Mayamaya ay bigla na lamang siyang hinila ni Alejandro sa kanang braso at pinaangkas sa amotorsiklo.
Nang makaposisyon ito sa motor ay kaagad pinaandar at humarurot. Nakalayo sila sa mga lalaki na hindi naman sila hinabol o binaril. Kahit malayo na sila ay abot kaluluwa pa rin ang panginginig ni Aliya. Hindi siya makapaniwala na natakasan nila ni Alejandro ang maraming kalaban.
“S-Saan tayo pupunta, Ale?” tanong niya nang mapansin na hindi sila patungo sa bahay nila.
“I don’t want Mom to see my face like this. We’re going to the clinic,” sabi nito.
“Okay.” Kumalma rin siya.
Dumiretso na sila sa clinic ng barangay. Inasikaso naman sila ng nurse roon. May pasa sa pisngi si Alejandro at dumugo ang gilid ng labi.
“Makikita pa rin ng mama mo ang pasa,” sabi niya.
Lumabas na sila ng clinic.
“It’s okay, at least no blood,” anito. Umangkas na ito sa motorsiklo.
“Sabihin na lang natin na natumba ka sa motor. Hindi na ‘yon magtatanong.”
“Ikaw bahala. Let’s go!” Lumulan na sa motorsiklo ang binata.
Umangkas na rin siya sa gawing likuran nito.
Tulog na ang mga tao sa bahay nila pagdating kaya dahandahan silang pumasok. May susi naman silang dala. Mabuti nakilala kaagad sila ng asong si Buknoy ay hindi kumahol.
Hindi pa makatulog si Aliya kaya pinuntahan niya sa kuwarto nito si Alejandro. Nakalimutan din niya ibigay ang gamot na mula sa clinic, para sa pamamaga ng pasa. Nang pagbuksan siya nito ng pinto ay awtomatikong dumako ang paningin niya sa matipunong dibdib ng binata. Itim na boxer lang ang suot nito kaya bakat ang halimaw na alaga sa loob.
“What is it?” tanong nito, kunot pa ang noo.
Pumasok muna siya bago ibinigay rito ang isang banig na gamot. “Para ‘yan sa pamamaga ng pasa mo,” sabi niya. Umupo na siya sa gilid ng kama.
“Thanks. You should sleep.” Lumapit ito sa mesita at inilapag doon ang gamot.
“Hindi pa ako inaantok. Naiisip ko ang nangyari kanina.”
“Forget about it.”
“Pero hindi ‘yon ordinaryong pangyayari, Ale. Those men almost killed us. And why does the guy call you ‘young master? Are those your dad’s men? Bakit gano’n?” walang preno niyang tanong.
Lumuklok sa gilid ng kama si Alejandro may isang dipa ang pagitan sa kaniya. “Yes, they are my father’s men. They chased me since I left my father behind,” pagtatapat nito.
“I don’t understand. Akala ko okay lang na umalis ka sa tatay mo.”
“No. My father was not like a father, you know, Aliya. He’s different.”
“What do you mean he’s different?”
“My father was a mafia lord, a notorious syndicate in southern Italy.”
Nagimbal siya at ilang sandaling natulala. Tumatak na sa kaniyang isipan ang salitang ‘mafia’ na umano’y kumuha sa tatay niya.
“B-Baka siya ang kumuha sa tatay ko kasi mafia sabi mo,” balisang sabi niya.
“No, he’s not. There are a lot of mafia groups in the world. My father won’t mess up other people’s lives unless he gets benefits from them. And now that my father’s men found me again, they will not stop ruining us.”
“Paano na ‘yan? Baka balikan ka nila.”
“I need to find another place to hide without innocent people.”
“Aalis kayo ng mama mo?”
“We have to. Ayaw ko madamay kayo, Aliya.”
“Pero puwede naman tayo magsumbong sa mga pulis. I can ask for some help from my police officer teacher.”
“That’s not enough.” Tumayo na ito.
Sinalakay na siya ng hindi mawaring lungkot. Hindi pa siya handang malayo kay Alejandro, at baka hindi na ito babalik.
“You will just find place to hide, right? Meaning, babalik pa rin kayo rito once wala na ang mga tauhan ng daddy mo,” gumaralgal ang tinig na sabi niya.
“I’m not sure.” Humiga na ng kama si Alejandro. “Go back to your room, Aliya,” sabi nito.
Tumayo na lamang siya at lumisan na mabigat ang dibdib.
ILANG araw na hindi makapag-focus sa pag-aaral si Aliya dahil sa kakaisip kay Alejandro. Palagi siyang nagmamadaling umuwi sa takot na baka biglang aalis sila Alejandro at hindi niya makausap. Naghahanap na kasi ang nanay nito ng lugar na malilipatan.
Lunes ng hapon ay hindi pumasok sa last subject si Aliya. Dumaan pa siya sa opisina ng electric cooperative kung saan nagtatrabaho si Alejandro. Napawi ang pagkabalisa niya nang mapansin si Alejandro na palabas pa lang ng gusali. Nagmamadali itong lumulan sa motorsiklo nito.
Nag-abang na siya sa labas ng gate at hinarang si Alejandro. Todo ngiti siya rito.
“Aliya,” sambit nito nang makahinto sa tapat niya ang motor.
“Sasabay na ako sa ‘yo,” aniya.
“Is your class done?”
“Ah, y-yes!” pagsisinungaling niya.
“Okay. Let’s go!”
Dagli naman siyang umangkas sa gawing likuran nito. Naka-uniporme siya at palda ang pan-ibaba kaya binabae ang kaniyang upo. Todo yapos din siya sa baywang ni Alejandro.
Dumaan pa sila sa palengke at bumili ng malaking isda na iihawin. Bitbit niya ito. Ngunit pagdating nila ng bahay ay sinalubong sila ng nanay niya na natataranta at umiiyak. Napatalon siya pababa ng motorsiklo.
“Bakit, Nay?” balisang tanong niya.
“What happened?” tanong naman ni Alejandro.
Pumasok na sila sa bahay.
“S-Si Rosalia! M-May dumukot sa kaniya na mga lalaking sakay ng itim na van!” nauutal na sumbong ni Marcela.
“Sh*t!” gigil na usal ni Alejandro.
“Heto, may sulat pa na iniwan ang lalaki para sa ‘yo, Ale,” ani Marcel, inabot ang nakatuping papel kay Alejandro.
Taimtim namang binasa ni Alejandro ang nakasulat sa papel. Mayamaya ay malutong itong nagmura sa wikang English. Hindi na ito mapakali at tumakbo paakyat ng hagdanan.
Nilapitan naman ni Aliya ang ina na napaupo sa couch at humagulhol. Iniwan lang niya sa lababo ang isdang dala at tinakpan.
“Saan daw po dadalhin ng mga kidnapper si Tita Rosalia, ‘Nay?” tanong niya.
“Hindi ko alam, anak. Sabi nila kung magsumbong ako sa pulis, papatayin nila ako at kayo ni Aljon,” umiiyak na sabi ng ginang.
Ginagap niya ito sa mga kamay at banayad na pinisil. “Kalma lang po kayo. Aalamin ko kay Alejandro kung ano ang balak niya.”
Tumango lang ang ginang.
Tumayo na siya at pinuntahan sa kuwarto si Alejandro. Ginupo na siya ng kaba nang maabutan ito’ng nag-e-impake ng gamit.
“Ale, saan ka pupunta, ha?” natatarantang tanong niya.
“I need to go. They will kill my Mom if I do not follow their order!”
“Ano? Sino sila? Ang mga humarang din ba sa atin noon?”
“Yes. And they will kill your family, Aliya! I can’t take it!”
“Bakit hindi ka na lang kasi magsumbong sa mga pulis?”
“Pulis?” Huminto sa harapan niya si Alejandro. “We had done reporting to the police in Mactan, but they can’t find my father’s men. My father was a dangerous criminal, and he could easily wreck his enemies. Marami siyang napatay na pulis, and I don’t want him to ruin this country because of me.”
“Alam mo palang mapanganib siya, bakit tinakasan mo pa siya?”
“Because I’m hoping that he will not chase me. I’m nothing but a weak son for him. I don’t know what else he wants from me.”
“Baka na-realize niya na kailangan ka niya.”
“I don’t care!”
Sinubukan niyang pigilan si Alejandro sa paglalagay ng gamit sa maleta ngunit iniwaksi nito ang kamay niya.
“You will leave. Babalik ka pa ba?” mangiyak-ngiyak niyang tanong.
“I don’t know, maybe no. Kung babalik ako rito, mapapahamak kayo, Aliya. You can’t defend yourself against the bad guys.”
“I will!”
“Shut up!” asik nito.
Tuluyan nang umalab ang bawat sulok ng kaniyang mga mata. “I will wait for you, Ale. Promise, I will be strong.”
“Even if you will get stronger, you’re still a woman. You can’t win against an aggressive and skilled guy.”
“Please take me with you, Ale. I will do anything just to stay with you,” nahihibang nang samo niya.
“You’re out of your mind, Aliya! My life was not normal. I can’t protect you all the time. Staying away from you was the best thing to do. You need to be strong for yourself.”
“No! I will be brave for you! Hindi ko alam kung magiging masaya ako na wala ka.”
“Stop that nonsense, Aliya!”
“Hindi ka pa rin ba naniniwala na mahal kita?”
Napabuga ng hangin si Alejandro. “Love was a weakness for me, Aliya. Kung kasama kita, nagkakaroon ako ng kahinaan. Ayaw ko ng gano’n. I can’t beat my enemy if I have someone to care about. Mas mabuti pa na mag-isa lang ako. Once I save my mother, she will come back here with you alone.”
Sumidhi pa ang kirot sa kaniyang puso. “Paano ka?” paos niyang tanong.
“I will face my fate. Someday, you will become a policewoman, and we will be enemies.”
“No! You still can change your fate, Ale. I know you can’t follow your father’s path! You’re a good guy.” Kinapitan niya ito sa kanang braso nang isara na nito ang maleta.
“Thank you for being part of my life, Aliya. Naranasan ko maging masaya, ngumiti, but all of this was just part of my dream that will never be forever,” may pait nitong pahayag. Humarap pa ito sa kaniya.
Tuluyang nagpuyos ang kaniyang damdamin nang masilayan ang maninipis na luhang lumaya mula sa mga mata ng binata.
“Be a good policewoman, Aliya. Be strong. I want a strong woman who can stand on her own feet and protect herself from an abusive guy,” gumaralgal na ring sabi nito.
“I will be strong for you, Ale. Magiging karapat-dapat akong babae para sa ‘yo! Mamahalin mo rin ako na walang takot,” pangako niya.
Sa huling sandali ay nasilayan niya ang ngiti ni Alejandro. “I know you will, but don’t just rely on me. You will find the guy who deserves your love that won't put you in danger.”
Wari nagkapira-piraso ang puso ni Aliya dahil sa katagang binitawan ni Alejandro. Patunay lamang iyon na wala itong balak magmahal. Pinagmasdan lamang niya ito na kuyod na ang maleta.
Hinabol pa niya ito ng tingin. “Ale!” humihikbing sambit niya.
Huminto si Alejandro at biglang humarap sa kaniya. Ilang sandaling magkatitig lamang ang mga luhaan nilang mga mata. Mayamaya ay bigla siya nitong sinugod at siniil ng halik sa mga labi.
Dahil sa pagkagulat ay hindi na siya nakatugon sa halik nito. Lumayo na lamang ito sa kaniya.
“Thank you for everything. I will miss you, Aliya,” huling wika nito bago tuluyang lumisan.
Napaluklok siya sa gilid ng kama at walang magawa kundi humagulhol. Wala nang tunog ang kaniyang pag-iyak dahil sa labis na paninikip ng kaniyang dibdib.