Chapter 6

2133 Words
SA paglipas ng panahon ay hindi hinayaan ni Aliya na lamunin siya ng lungkot. Tuloy pa rin ang buhay. Hindi na nakabalik ang mama ni Alejandro sa bahay nila at wala na silang balita sa mga ito. Naitago na lamang ng nanay niya ang naiwang gamit ng mag-ina. Nag-asawa ulit ang nanay niya matapos maidiklara na patay na ang tatay niya. Pero para sa kaniya, hindi totoo ang balita na ‘yon. Patuloy pa rin siyang umaasa na balang araw ay mababalitaan niya na buhay ang tatay niya. Gayunpaman, hindi naman siya tumutol sa pagpapakasal ulit ng nanay niya. Nabuntis pa ang nanay niya kaya may nadagdag sa kanilang pamilya. Mabait naman ang stepfather niya na isang ring guro. Sa tuwing hapon pagkagaling sa eskuwela ay dumadaan pa rin si Aliya sa opisina ng electric cooperative. Talagang hindi mawaglit sa isipan niya si Alejandro. Halos lahat ng nakamotor na makikita niya ay iniisip niya si Alejandro. “Naniniwala ako sa laro ng tadhana, Ale. I know we will meet again soon,” determinadong sabi niya. Papasok na siya sa kanto ng barangay nila nang hinarang na naman siya ng manliligaw niya’ng makulit, si Pedro, anak ng kapitan ng baranggay nila na seaman pero hindi pa nakasakay ng barko. “Magtigil ka, Sisiwman!” bulyaw niya sa lalaki. “Aliya naman. Mukha ba akong walang silbi?” anito. Sinabayan siya nito sa paglalakad. “May silbi ka kung lalayuan mo ako!” “Kailan mo ba ako sasagutin?” “Sinagot na kita, ah. Sabi ko may boyfriend na ako nasa abroad!” “Ayan ka naman. Hindi naman totoo na boyfriend mo si Alejandro. Nasaan na ba siya? Baka nag-asawa na ‘yon!” Uminit na ang bunbunan niya at tinadyakan sa binti si Pedro. Dumaing ito at namaluktot kaya hindi na nakahabol sa kanya. Pinaspasan naman niya ang paglalakad. Napapangiti siya habang iniisip si Alejandro. Na-claim na niya na boyfriend niya si Alejandro. Iyon ang dahilan niya sa mga manliligaw na nangungulit. Nasita tuloy siya ng kaniyang ina pagpasok ng bahay. “Ang harsh mo sa mga manliligaw mo, Aliya. Baka magtandang dalaga ka niyan!” sabi ng kaniyang ina. “Nako! Ganyan nga ang sasapitin ni Aliya,” gatong naman ni Mando, ang stepfather niya. “Twenty-one pa lang naman ako. May ilang taon pa bago ako lalagpas ng kalindaryo. Huwag nga kayong eksaherado riyan!” depensa niya naman. Dumiretso na siya sa kaniyang kuwarto. Nadatnan niya roon ang kaniyang pusang si Merang, na napulot niya sa kalye. Ang sarap ng higa nito sa kama. Pero umagaw sa pansin niya ang magkatabing stuffed toy na aso at pusa na nasa kama. Pinasuot pa niya ang naiwang damit ni Alejandro sa stuffed toy na aso. Palagi niya itong yakap habang natutulog. Madilim na nang lumabas ng kuwarto si Aliya. Nakahain na ng hapunan ang nanay niya. Dumating na rin si Aljon mula school. Ito na ang gumagamit ng motorsiklo ni Alejandro. Malaki ang impluwensya ni Alejandro sa kapatid niya at kumuha na ng kursong electrical engineering. Tinabihan niya sa silya ang bunsong babae na si Nona, mahigit isang taong gulang na ito. Kumakain na rin ito at matakaw sa gulay. Kahit papano ay sumaya na ulit sa bahay nila dahil kay Nona. “Malapit ka na ga-graduate, anak. Sana ay makapasa ka sa board exam para maging pulis ka na,” sabi ng nanay niya. Bumagal ang pagsubo niya ng pagkain. Ang totoo’y nawalan na siya ng ganang tapusin ang kurso niya simula noong ilang beses binalewala ng mga pulis ang reklamo niya tungkol sa kaniyang ama. Natabunan na ang kaso ng tatay niya at nabaon na sa limot. “Opo, kaso marami pa akong subject na babalikan na nai-drop ko noon,” aniya. “Mag-summer class ka na lang,” sabi naman ni Mando. “Oo nga, anak.” Kumibit-balikat lamang siya. ISANG semester na lang ang tatapusin ni Aliya at magtatapos na siya. Nakuha naman niya sa summer class ang ibang subject na na-drop niya noon. Ang problema, lalo lamang siyang nawalan ng gana. Nag-enroll siya sa mixed martial arts class at sumali sa mga local tournament. Mas nalibang siya rito at gustong pasukin nang tuluyan ang mundo ng sports. Desidido na siya na palakasin pa ang kaniyang katawan at palawakin ang kaalaman sa self-defense. Dahil sa tuwing gabi siya may training sa MMA, palaging late na siya umuuwi. Nililibang din niya ang kaniyang sarili na madalas atakehin ng anxiety. Sabado ng gabi pag-uwi niya ng bahay ay nagtataka siya bakit tahimik ang bahay. Pagpasok niya’y naabutan niya sa salas ang stepfather niya an yakap si Nona na umiiyak. Si Aljon naman ay humahagulgol sa kusina. “Ano’ng nangyari rito?” balisang tanong niya. Iyak lang ang naging tugon ng stepfather niya. Lumabas ng kusina si Aljon at nilapitan siya. “Ate, si Nanay,” humihikbing sabi nito. “Bakit? Nasaan si Nanay?” Nilukob na siya ng kaba. “May dumukot sa kaniya kanina sa school,” batid ni Aljon. Naibagsak niya ang bag sa sahig dahil sa pagkawindang. “S-Sino ang dumukot? Bakit?” walang puwang niyang tanong. “Hindi ko rin alam, anak,” sabi ni Mando. Nanginig na ang kalamnan niya sa gigil at napulot ulit ang bag. Tumakbo siya sa kaniyang kuwarto, saktong tumunog ang kaniyang cellphone. Dinukot niya ito mula sa bag. Tumatawag ang kaniyang ina. “Nay?” eksaheradong sambit niya. Ngunit boses ng baritonong lalaki ang nagsalita. “Hi, Aliya!” sabi nito. “Sino ka, hayop ka?!” nanggagalaiting tanong niya. “That’s not important. I have your mother now. Do you want to talk to her?” “Yes!” mabilis niyang tugon. Mayamaya ay nagsalita na ang nanay niya na umiiyak. “Aliya, anak, huwag kang mag-panic. Hindi nila ako sasaktan kung susunod ka sa kanila,” ani Marcela buhat sa kabilang linya. “Nay, bakit? Ano ba ang nangyayari?” nanghihinang untag niya. Lumuklok siya sa gilid ng kama. “Magpakatatag ka, anak. Ang mga kapatid mo, si Nona, bantayan mo siya. Mahal na mahal ko kayo,” habilin ng kaniyang ina. Tumagistis na ang kaniyang mga luha ngunit naroon pa rin ang gigil. Nawala na sa linya ang nanay niya at muling nagsalita ang lalaki. “Sino ka bang demondyo ka?” naghihimagsik niyang tanong. “Easy. We won’t hurt your mother, and she will live normally here if you follow my order.” “What do you want?” “You will know soon. For now, I want to know if you’re willing to work with me.” “What work?” “I will tell you soon. Just say yes or no, Aliya. Take note, if you say no, it means you permitted me to kill your mother.” Nagngitngit ang bagang niya sa gigil. Wala na siyang choise. “Okay. I will. Yes!” sagot niya. “Good girl. I’ll call you soon once your first mission has been finalized. Don’t ever change your contact number. If you want to change, please tell me.” “I will,” may diin niyang sabi. Nawala na sa linya ang lalaki. Naihagis niya sa kama ang cellphone at impit siyang napasigaw. Napatingala siya sa altar na merong krus. “Bakit ganito, Lord? Galit ka ba sa akin? Bakit kailangan kong magkaroon ng ganitong kabigat na pagsubok? Bakit?” naghihnagpis niyang tanong. Napahiga siya sa kama at walang tunog na umiyak. ALEJANDRO threw an explosive device at the enemies who chased them while escaping the enemy’s territory. He just hung on the rope while the helicopter was going up. They had another successful mission with his new ally in the Mafia world. He became a Golden Badge member of the Black Horn Organization, the secret group of the mafia in Southern Italy and Sicily. Pasikreto silang nagpapasok ng negosyo sa underground market pero dahil sa ilang kapalpakan ng mababang miyembro, unti-unti na rin silang nakikilala. They are now facing some issues and are already on the target list of the police and some anti-syndicate groups. “Good job, Al!” puri sa kaniya ni Vladimir, his closest friend in the BHO. Katulad ni Vladimir ay ex-army rin siya. Katunayan ay ito ang nagsalba sa kaniya noong na-trap siya sa puder ng mga kalaban. He pursued his ambition to become a soldier when he was freed from his father. His grandfather from his mother's side helped him escape. Isang retired Russian military general ang lolo niya. Nawalan lang sila ng contact dito dahil matagal na hiwalay ito sa lola niya na namatay ten years ago. Ayaw rin ng mommy niya noon na tumira sa tatay nito dahil sa higpit ng batas sa pamilya. Pero nagsikap ang lolo niya na makuha siya. Okay na sana ang buhay niya rito, until a terrible incident happened that broke his beautiful dream. He need to enter the mafia world to easily take down his enemy, his father. Wala na kasi itong ginawa kundi ang wasakin ang masaya niyang buhay, and he woke the devil inside him. “We need to finish the last mission. Then, all of us need to get lost!” anunsiyo ng leader nilang si Yoshin. Nakarating na sila sa headquarters sa Sicily. Yoshin was his second-cousin from the mother side. Nakilala lang niya ito dahil kay Vladimir, na katuwang nito sa pagtatag ng BHO. Si Vladimir ang nilapitan niya upang maisakatuparan ang kaniyang misyon. “Okay! Let’s go back to the Philippines! I need to face my real enemy!” ani Vladimir. Nag-alangan na si Alejandro kung matutuloy pa ba ang plano nila ni Vladimir. Mukhang malabo na makapag-operate ulit ang BHO dahil sa mga isyu nila. Ang ilang miyembro nila ay nag-quit na, si Dwayne at Wallace. “Are we going to quit the BHO?” tanong niya kay Vladimir. Lulan na sila ng private plane ni Vladimir pabalik ng Pilipinas. Magiging busy na rin ito at naka-focus sa problema kay Annie, ang babaeng nagpahibang dito at pilit pinuprotektahan. “Not now. We just need to cool off the situation, but expect that the BHO will never join the underground market again. I already pulled out my stock there, even my grandfather’s stocks.” Lalo siyang nawalan ng pag-asa. “What about our mission?” “To your father?” “Yeah.” “Let’s talk about it once my problem with Black Mamba has been solved.” Lumuklok na sila sa couch at naghanda sa paglipad ng eroplano. ILANG linggo lang ang nakalipas pagbalik ng Pilipinas ay may naplano nang raid operation si Vladimir para sa stepfather ng kalaban nito’ng si Black Mamba, na pilit kinukuha si Annie. Halos wala siyang pahinga dahil sa paggawa ng mga bagong explosive device. He set an appointment to meet the target. It was Rojillo Accetta. But they are also trapped. Natunugan na pala ng kalaban ang plano nila. But they also had plan B. He’s disappointed when Rojillo asks them to kill him. Usapan nila ni Vladimir ay walang papatayin sa panig ng kalaban. Pinatulog lang nila ang mga ito. Inusig pa rin ni Vladimir si Rojillo upang sabihin ang totoong pangalan ni Black Mamba, but he don’t have an idea, too. He just gave them some hints. “Papatayin niya ang anak ko!” sabi ni Rojillo. Hindi na ito makamulat ng mga mata dahil napuwing ng sulfur powder na pinasabog ni Vladimir sa harapan nito. Nagbigay ng ibang detalye ang ginoo tungkol kay Black Mamba ngunit bigo pa rin silang malaman ang totoong pangalan nito. “Okay. Just tell me your daughter’s name. We will protect her,” sabi ni Vladimir habang nakatayo sa harap ng ginoo’ng nakaupo lang sa couch. Nakaantabay lang din si Alejandro sa likuran ni Vladimir pero nakahanda ang baril niya na may balang needle. Kimikal ang laman nito na nagpapamanhid sa katawan ng tao. “Ang pangalan ng anak ko ay Aliya Mendez!” mayamaya ay sabi ng ginoo. “What?” naibulalas niya. Awtomatikong bumalik sa isip niya ang nakaraan na pilit niyang nilimot. “Bakit, Al?” tanong ni Vladimir. “Rojillo’s daughter, I know her!” he said. “Patayin n’yo na ako!” pilit naman ng ginoo. Tumalikod na si Vladimir. “No!” giit nito. Nalingat lang si Alejandro at napatingin kay Vladimir, mayamaya ay umugong ang putok ng baril mula sa harapan nila. “Id*ot!” bulalas ni Vladimir. Alejandro was stunned as he caught Rojillo shooting himself in the head. “Noooo!” he shouted. His only hope has gone! It’s been seven years since he left Aliya behind to save his mother. Alam niya na patuloy na umaasa ang dalaga na buhay pa ang tatay nito. He runs towards Rojillo and tries to save him, but it seems too late. The enemy is coming!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD