DINALA ni Alejandro ang bangkay ni Rojillo sa funeral home. They didn’t revive him, and it made him feel guilty. Nanlulumong lumuklok siya sa bench sa labas ng chappel. Nilapitan siya ni Benji, ang half Italian-Filipino niyang assistant, dati ring tao ng daddy niya.
“Sir, you don’t need to feel guilty,” sabi nito.
“Rojillo was not just a person I wanted to save from Black Mamba, Benji. He’s more important than that. I know his family,” he said.
“But he chose it—to kill himself.”
“I know. Pero hindi ko hahayaan gawin n’ya ‘yon kung nalaman ko nang maaga kung sino siya talaga.”
“What do you mean?”
“I know Rojillo’s daughter. She’s waiting for her father to come back. She’s right. The rumor was not true, but now it happened.”
He felt sorry for Aliya. She must have been sad and hurt when witnessed her father’s dead body.”
“Ano po gagawin natin, sir? Are we going to contact Rojillo’s daughter?” tanong ni Benji.
Una’y nag-alangan siya, ngunit nang maalala kung gaano kadeterminado noon si Aliya na makita ang tatay nito, naisip niya na karapatan ng dalaga makita ang tatay nito.
“Is it okay for other people to see their long-lost relative’s lifeless body?” tanong pa niya sa assistant.
“Of course, that’s really important. Mahalaga na makita ang mahal sa buhay kahit sa huling sandali.”
“Okay. We need to let her know it.”
“Sino, sir?”
“Si Aliya Mendez, Rojillo’s daughter.”
“How can we contact her?”
He took a deep breath. He doesn’t have a plan to meet Aliya again.
“I will try to find her social media account,” aniya.
“Sige, sir. Once nakontact n’yo na siya, sabihin n’yo sa akin para ma-guide ko kayo kung ano ang gagawin.”
He nodded.
Hinintay lang ni Alejandro mailipat sa kabaong ang katawan ni Rojillo bago umalis. Binayaran na niya lahat ng dapat bayaran. Umaasa siya na nahanap na ni Vladimir ang social media account ni Aliya. Wala kasi siyang account, and he doesn’t want to have, either.
Ayaw niya na marami ang makakilala sa kaniya at makaalam sa identity niya at location. He kept his life as private as possible. Even his relatives don’t have an idea where to find him. It’s his way of preventing his father from chasing him and ruining his plans.
Pagdating ng bahay ni Vladimir kung saan siya pansamantalang nakatira ay nadatnan niya sa lobby ang kaibigan. He’s busy typing on his phone.
“Do you find Aliya?” he asked.
“I’m not sure if it’s her. Tingnan mo ang reply niya. She’s using an alien language,” anito.
Tiningnan naman niya ang screeshot ng conversation nina Aliya at Vladimir. Aliya used a white cat as her profile picture. She also uses the Bisaya language and lives in Cebu. He’s sure that it was Aliya.
Na-block na ni Aliya si Vladimir kaya hinanap niya ang account ni Aliya. He used dummy account to contact her. May cellphone naman siya’ng touch screen pero bihira niya ginagamit. Pumasok siya sa kaniyang kuwarto at naligo sa banyo roon.
Pagkatapos ay nagsuot lamang siya ng itim na boxer at lumuklok sa gilid ng kama. Kinuha niya ang cellphone at napansin na tinanggap ni Aliya ang friend request niya. Nagpakilala siya na kaibigan ng tatay nito, and he used Benji’s name.
Ang bilis nag-reply ni Aliya.
Aliya: “Are you sure? Kung kaibigan mo tatay ko, ano ang palayaw niya?”
He gritted his teeth. Mabuti naalala pa niya ang nabanggit ng nanay ni Aliya noon. May tawag ito kay Rojillo. It’s Lilo. Nag-type na siya ng kaniyang reply at natagalan dahil nangangapa siya sa touch screen keypad. Mas sanay kasi siya sa parang remote control na cellphone.
Alejandro: “He was also called ‘Lilo’, right?”
Aliya: “Ah, tama. Bakit ka po pala nag-chat? Alam mo ba kung nasaan ang tatay ko?”
Nagseryoso na si Aliya kaya wala nang paligu-ligoy ang kaniyang sagot.
Alejandro: “Yes, I know. But it’s a bad news. Your father was dead. He killed himself. Dinala ko na lang siya sa funeral home dahil wala siyang ibang kamag-anak sa Maynila. If you want to see him, I’ll send you money for the plane ticket. I will meet you at the airport.”
Hindi na nag-reply si Aliya. She must be mourning now. Lalo tuloy siyang nilamon ng guilt, but he urgently cut it off from his system.
Kinabukasan na nag-reply si Aliya kay Alejandro. And she agreed to go in Manila. Pinuntahan ni Alejandro si Benji sa funeral home at sinabi ang dapat nitong gawin. Binigyan niya ito ng fifty thousand na ipapadala sa nai-send ni Aliya na bank account details nito.
“Ako na po ang bahala, sir,” sabi ni Benji.
“Don’t ever mention my name to Aliya. Bantayan n’yo lang siya hanggang mailibing si Rojillo. Then, once nakabalik na ng Cebu si Aliya, balik na rin kayo sa headquarters sa Subic Bay,” habilin niya sa assistant.
“Yes, sir!”
Umalis din siya kaagad. Bibiyahe pa siya papuntang Subic Bay at may gagawin siyang explosive devices na malalaki at ibang armas.
HINDI pa sana maniniwala si Aliya sa chat sa kaniya ni Benji, pero nag-send ito ng picture ng tatay niya na nasa kabaong. Awomatiko siyang nag-impake ng gamit. Nataon din na bibiyahe siya papuntang Maynila para sa isang misyon.
Walang tigil sa pagpatak ang kaniyang mga luha habang nagsasalansan ng gamit sa maleta. Tama ang paniniwala niya noon na buhay ang tatay niya, ngunit ngayon ay nagkatotoo na ang sabi-sabi na patay na ang tatay niya. Sa kasamaang palad, wala na itong buhay sa muling pagkikita nila.
Gustong sumama sa kaniya ni Aljon pero hindi pa magaling ang lagnat nito. Ayaw rin niya itong isama dahil walang katiyakan ang kaligtasan niya sa Maynila.
“Huwag mong iwan sila Nona at Tatay Mando, Aljon. Gagawa rin ako ng paraan para malaman kung nasaan si Nanay,” sabi niya sa kapatid.
“Pero ilang taon na hindi pa binabalik ng sindikato si Nanay. Ano pa ba ang kailangan nila?” mangiyak-ngiyak na sabi ni Aljon.
Nagtatrabaho na sa electric cooperative si Aljon bilang electrical engineer. Kaya nakatulong ito sa lahat ng gastusin nila sa bahay. Wala pa naman umano ito balak mag-asawa at hinihintay ang nanay nila.
“Basta. Ako na ang bahala. Kung hindi ko susundin ang gusto ng sindikato, mapapahamak si Nanay. Ang mahalaga ay ligtas si Nanay sa kamay nila at hindi pinahihirapan,” sabi niya.
“Eh, ikaw? Hindi mo na natapos angpag-aaral mo dahil sa pagsunod sa utos ng hayop na taong kumuha kay Nanay!”
Bumagal ang kaniyang kilos nang maalala ang mga nangyari sa naglipas na pitong taon. Sinadya niya na huwag tapusin ang pag-aaral niya dahil sa inis. Nadismaya siya ibang mga pulis na ilang beses niya hiningan ng tulong para masagip ang nanay n’ya. Inatupag naman siya ng mga ito pero nang walang makitang ebidensiya na na-kidnap ang nanay niya, tumigil na ang mga ito.
“Hindi ako nagsisi na tumigil sa pag-aaral, Aljon. Hindi na ako umaasa na mababago ko ang sistema ng batas. Nawala pareho ang magulang natin, ni kakarampot na hustisya, wala tayong natamo. Namatay na lang si Tatay, wala pa ring hustisya! Karaniwang tao lang kasi tayo kaya hindi priority,” may hinanakit niyang saad.
“Kung sa bagay. Pero delikado ang mga ginagawa mo, Ate. Baka mapagkamalan ka ng mga pulis na tauhan ng sindikato.”
“Wala akong pake! Kahit impiyerno ay papasukin ko mabawi lang si Nanay!” gigil niyang giit.
“Mag-ingat ka lang, Ate.”
Natigilan siya nang yakapin siya ni Aljon buhat sa likuran. Mas malaki na ito sa kaniya pero malambing pa rin.
“Huwag mo akong alalahanin, Aljon.” Humarap siya sa kapatid at ngumiti. “Magiging maayos din ang lahat.”
“Hahanapin mo rin ba si Kuya Ale?” pagkuwan ay tanong nito.
Tumabang ang kaniyang ngiti. Nasipat niya ang stuffed toy na aso at pusa. Hindi na niya madadala ang dalawa dahil malaki pero ang aso ay binitbit niya. Isasama rin niya si Kuro, ang lalaking puting pusa niya’ng persian na nasagip. Kamuntik na itong masagasaan noon. Namatay ang amo nito kaya pagala-gala, inampon niya noong maliit pa. Kompleto naman ang vaccine nito at may papeles.
“Oo, hahanapin ko si Ale kung magpapahanap siya,” nakangiting turan niya.
“Naniniwala ako sa ‘yo, Ate! Ipagdadasal ko na lang ang kaluluwa ni Tatay.”
Siya naman ang yumakap kay Aljon.
Kinagabihan na ang flight ni Aliya. Fifty thousand ang pinadalang pera ni Benji sa bank account niya at nakabili kaagad siya ng ticket para sa kanila ni Kuro. Plano rin niya na maghanap na rin ng trabaho sa Maynila at paupahan. Nai-send naman sa kaniya ni Benji ang picture nito kaya makikilala niya kaagad pagdating ng airport.
Kampante siya na hindi siya niloloko ni Benji, kung sakali man, nakahanda siyang depensahan ang sarili.
Mabilis lang ang biyahe. Alas-diyes ng gabi siya nakarating sa airport ng Maynila. Bitbit na niya si Kuro na nasa cage nito at ang isang malaking maleta niya. May backpack pa siya. Malayo pa lang ay natanaw na niya ang name tag ni Benji na nakasulat sa malaking illustration board.
Sinalubong na siya nito at ito ang nagdala ng maleta niya. Nagulat siya dahil may kotse pala ito. Ini-expect din niya na matanda na si Benji pero nasa thirty plus pa lang pala ang edad. Matured itong tingnan at obvious na may lahing banyaga, tisoy rin.
“Saan po nakaburol si Tatay?” tanong niya sa lalaki.
Ito rin ang nagmamaneho ng kotse. Siya naman ay sa back seat nakaupo.
“Sa Makati,” tipid nitong tugon.
“Malayo pa ba ‘yon?”
“Opo. Pero mabilis na lang ang biyahe dahil wala masyadong traffic.”
“Ah, may food po ba? Bibili na lang kaya ako?” aniya pagkuwan.
“Ako na ang bibili.”
Napangiti siya. Curious naman siya kung paano nakilala ni Benji ang Tatay niya.
“Kuya Benji, paano n’yo pala nakilala ang tatay ko? At bakit iba ang apelyido niya?” usisa niya.
“Nakasama ko sa kompanya ng isang mafia group ang tatay mo. Ang mafia boss na babae ang dumakip sa kaniya, iyong ex-girlfriend niya noon. Pinapalitan ang identity ng tatay mo at pinalabas na patay na siya. Nagpakasal sila ng babae.”
Nawindang siya. “Pinakasalan ni Tatay iyong mafia boss?”
“Oo. Walang choice ang tatay mo kasi ipapatay kayo ng babae. Kaya pumayag na siya sa gusto ng babae. Kaso marami nang hirap na pinagdaanan ang tatay mo kaya siguro naisip na niyang magpakamatay.”
Hindi siya nakapagsalita nang maghari ang kirot sa kaniyang puso.
Pagdating sa funeral home ay napahagulgol na siya nang masilayan ang kaniyang ama. Ilang taon niyang inasam na muli itong makita ngunit sa ganoong pagkakataon pa. Ni hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon na makausap ito. Ilang minuto siyang nakayakap sa ataul at walang tigil sa pagluha.
Halos isumpa na niya ang mundo sa walang pahingang pasakit sa buhay niya. Pero sa kabila ng lahat, patuloy pa rin siyang kumakapit sa determinasyon niya at tapang.
Mugto na ang mga mata ni Aliya kakaiyak at nawalan na siya ng ganang kumain. Ni hindi niya magawang matulog. Wala siyang pakialam sa mga taong dumating at sumilip sa ataul. Iyon lang naman ang bumisita at wala nang iba.
“Matulog ka na, Aliya. Bukas na ang libing ng tatay mo kaya dapat maaga ang paghahanda,” sabi ni Benji.
“Ayos lang po ako. Nakaidlip naman ako sa biyahe,” matamlay niyang sabi. Nakaupo lang siya sa may bench katapat ng ataul.
May ilang kalalakihan pang kasama si Benji na nagbabantay.
Nang tumunog ang kaniyang cellphone ay lumabas siya at doon sinagot ang tawag ni Mr. R, ang lalaking may hawak sa nanay niya at nagpadakip dito.
“Nasa Maynila na ako,” sabi niya. Lumayo siya sa mga lalaking bantay sa labas ng chappel.
“You’re too early. What made you rushed there?” sabi nito buhat sa kabilang linya.
“Someone informed me that my father was dead. Narito ako sa Makati, sa burol ng tatay ko,” sabi niya.
“Oh, what a sad reunion. I thought your father was already dead.”
“That’s a rumor before. Now he’s dead.”
“Okay, let’s move on. About your next mission, it would be more exciting. Hindi ka na mahihirapan mahanap si Alejandro Marchetti.”
Natigilan siya. Wala pa rin siyang ideya kung ano ang kailangan ni Mr. R bakit nito pinapahanap si Alejandro. Noong una ay pinahahanap nito sa kaniya ang isang tao na umano tumakas sa puder nito.
“Saan ko siya mahahanap?” tanong niya.
“I got a hint that Alejandro was in Manila. Since you are already in Manila, it’s your chance to find him. I’ll send you money for your allowance directly to your bank account, as usual. You can rent a house anywhere you want.”
“I will find a job first,” matapang niyang sabi.
“That’s okay.”
“Wait. How’s my mother?” pagkuwan ay tanong niya.
“She’s fine. I think she’s comfortable working with my company. Hindi siya masasaktan hanggat sumusunod ka sa akin, Aliya.”
“Until when?”
“Until you did my final command. So be ready. Adios.”
Naputol na ang linya.
Napahigpit ang hawak niya sa cellphone. Kahit naman magwala siya sa galit ay walang magbabago.