Chapter 8

1796 Words
TINAPOS lang ni Alejandro ang kaniyang ginagawa bago pinanood ang video na pinadala ni Benji sa kaniyang cellphone. Video ito ni Aliya na kararating sa funeral home. Nasaksihan niya kung paano nagluksa ang dalaga habang yakap ang kabaong ng ama nito. He didn’t finish the video and dropped his phone on the table. He had done with Aliya. Hindi na dapat siya makikisimpatiya sa buhay nito. Marami siyang dapat unahin at hindi puwede ang distraction. Tatlong araw sa Subic Bay si Alejandro bago umuwi ng Maynila lulan ng kotse ni Vladimir. Siya na ang gumagamit nito dahil kotse ni Annie ang gamit ni Vladimir. He’s waiting for Benji’s update. He hasn’t called him since Rojillo’s burial. Mayamaya ay tumawag din ito. Nagmamaneho siya kaya nagkabit lang siya ng earphone. “What happened?” he asked. “Sir, we have a problem,” batid ni Benji. “What is it?” “Hindi umuwi ng Cebu si Ms. Aliya.” “What? W-Why?” balisang tanong niya. “I don’t have an idea, sir. I asked her about it. Sabi niya maghahanap siya ng trabaho. Kumuha siya ng isang unit ng apartment sa Makati na uupahan. At kanina nasundan ko siya, pumasok siya sa isang bar, nag-apply ata ng trabaho.” He took a deep breath. He thought Aliya was already a policewoman. “Why in a bar? Isn’t she working in Cebu?” may iritasyong tanong niya. “Hindi po ata. Sabi niya matagal na niya gustong pumunta ng Maynila para magtrabaho.” He got it. Maybe Aliya didn’t finish studying. “Look after Aliya, Benji. Don’t leave her,” utos niya sa assistant. “What about my work at the headquarters, sir?” “I’ll pass it to Russo. I think Aliya wants to know more about her father’s death and the reason why she’s still in Manila.” “Nasabi ko naman po sa kaniya ang dahilan bakit namatay si Rojillo. Baka po gusto lang talaga niya magtrabaho rito.” “She’s crazy!” inis niyang sabi. Akala niya’y matatahimik na ang isip niya dahil naipalibing si Rojillo nang maayos. Pero tila magugulo na naman ang plano niya dahil kay Aliya. “Don’t worry, sir. I will monitor Ms. Aliya’s movement. I’ll give you an update right away,” sabi ni Benji. “Thank you, Benji.” Pinutol na niya ang linya. Kahit paggamit ng cellphone ay napapadalas na sa kaniya dahil kay Aliya. He hates using the phone; it’s wasting his time. It's better to sleep than to spend time holding a phone. Pagdating ng bahay ay nadatnan niya si Vladimir sa lobby na may ginagawa sa laptop. Kasama na niya ang tatlong aso niya dahil hirap na ang mga tao nila sa headquarters na mag-asikaso sa mga ito. Sinabi niya kay Vladimir ang problema niya kay Aliya, kaso binigyan siya ng stressful na idea. “Bakit ayaw mong kunin natin si Aliya? Mas safe siya rito,” ani Vladimir. “Hindi puwede, Vlad!” giit niya. “Bakit nga? Kilala mo naman pala ‘yon, bakit hindi mo kunin? Para naman may kasama ka rito na mag-asikaso ng bahay at maipagluto ka rin.” “No!” mariin niyang tutol. Napailing si Vladimir. “Ayaw mo ‘tapos aligaga ka naman kakaisip sa babaeng ‘yon.” “That’s not what I thought. Mas safe si Aliya kung malayo siya sa akin.” “Ano pa ba ang gagawin niya rito sa Maynila?” “She’s looking for a job.” “Iyon naman pala. I will hire her, para may assistant si Annie sa clinic.” “No!” Iniwan na niya ang kaibigan. Pumasok siya ng kusina at nagluto ng pagkain ng kaniyang mga aso. Mabuti may dalawang kilo pang ground beef sa ref. Frozen ito kaya ipinasok niya sa microwave upang lumambot ang yelo. It’s his dogs’ favorite meal, the ground beef guisado, paborito rin ni Vladimir. ISANG linggo pa ang lumipas. Naging abala si Alejandro sa trabaho nila ni Vladimir kaya hindi siya updated kay Aliya. He turned off his touchscreen phone for a week to avoid the enemy tracing his IP address. Kinikilala na rin kasi siya ng kalaban ni Vladimir na si Black Mamba. Nang makapagpahinga siya ay saka lang niya naisip buksan ang kaniyang cellphone. Ang huling mensahe lang ni Benji ang kaniyang binasa. And he was shocked when Benji revealed Aliya’s work in a bar. “What the hell?” he uttered. He can’t believe that Aliya was working in a bar as a bouncer! “Are you serious about that, Benji?” tanong niya sa assistant nang masagot nito ang kaniyang tawag. “Yes, boss. I saw her stopping the fighting drunk guys. You won’t believe me. She’s a good mixed martial arts fighter,” humahanga pang sabi ni Benji. Napahilot siya sa kaniyang sintido. Nag-send pa sa kaniya ng video si Benji na kuha sa bar. Ang senaryo ay pinigil ni Aliya ang nagwawalang lalaki, ginapos nito ng mga binti sa likuran nang bumulagta sa sahig at akmang babalian ng braso pero sumuko ang lalaki. Hindi siya makapaniwala sa napanood. Aliya was different now. She’s not weak anymore, but it wasn’t enough when it came to skilled and armed men. Ang layo ng trabaho nito sa inisip niya. BINALIBAG na ni Aliya ang lalaking nagwawala dahil ayaw tumigil, malaki na ang damage sa bar. Hindi kasi ito nakaganti sa mga nakaaway na tumakas na. Nang makatulog ito sa lakas ng suntok niya, pinadampot na nila ito sa dumating na mga pulis. Dalawa naman silang bouncer ng bar at lalaki ang isa, kaso hindi sapat na isa lang ang aawat sa lalaki. Malaking tao rin kasi ito. Mabuti kasing tangkad niya lang ang lalaki, malaki lang ang katawan pero hindi kontrolado ang kilos dahil sa kalasingan. “Hay! Lalasing-lasing, hindi naman kaya. Bakit kasi sa utak nilalagay ang alak hindi sa tiyan?” palatak niya nang maayos na ang nagulong buhok. Hindi na siya nakapagpagupit ng buhok at humaba na hanggang baywang niya. Itinatali na lang niya ito nang isahan na mataas. “Ang galing mo, Aliya!” puwi naman sa kaniya ni Ronan, na kasama niyang bouncer. Tinapik pa siya nito sa likod. “Salamat. Secret ko lang dapat ang skills ko,” sabi niya. Tumawa si Ronan. Tumulong na sila sa pag-aayos ng mga natumbang lamesa. Mabuti hindi umalis lahat ng costumer nila. Babalik na sana siya sa kaniyang puwesto nang mamataan ang pamilyar na lalaki. Nakaupo ito sa sulok na lamesa, mag-isa lang. Nilapitan na niya ito. “Uy! Kuya Benji!” bulalas niya. Tinapik niya sa balikat ang lalaki. Nagulat pa ito at nawala ang focus sa cellphone. “Ikaw pala, Aliya,” nakangiting sabi nito. “Kanina ka pa ba rito?” tanong niya. “Medyo kanina pa.” “Ah, parang nakita rin kita noon sa kabilang bar na unang pinasukan kom ah. Teka. Sinusundan mo ba ako?” nagdududang sabi niya. “H-Hindi! Madalas lang talaga ako mag-unwind after work.” Tatangu-tango siya. “Sige. Pasensiya ka na sa kaguluhan kanina, ha? May mga tao talagang nawawala sa sarili sa tuwing nalalasing.” “Ayos lang. Sanay na ako. Hindi talaga ‘yan maiwasan sa mga bar.” “Sige pala. Balik na ako sa trabaho.” Tumango lang ang lalaki. Alas-kuwatro na ng madaling araw nakauwi si Aliya at bumili na rin siya ng pagkain. Sumalubong kaagad sa kaniya si Kuro at ikinuskos ang katawan sa kaniyang binti. Binuhat naman niya ito. “Kumusta, Kuro? May poops ka, ah,” aniya. May ginupit na karton naman siya na ginawang palikuran ni Kuro. Nilagyan niya ito ng buhangin. Maayos ang apartment na nakuha niya, nasa second floor nga lang ang puwesto niya. Sa bandang likuran lang ito ng bar na pinapasukan niya. Bale ikalawang bar na ‘yon. Iyong unang bar na pinasukan kasi niya ay balahura ang may-ari, kahit hindi nila trabaho ay pinagagawa sa kanila. Umalis siya na hindi tinapos ang isang linggo. Mas okay itong bagong bar kasi hindi naglalagi ang amo na may lahing Amerikano. Kasundo na rin niya ang ibang staff. Kumain muna siya bago naligo. May cat food naman si Kuro at may iniiwan siya palagi sa plato nito. Nasanay rin itong maligo two times a week. Hindi naman ganoon kakapal ang balahibo nito kaya hindi siya nahirapan sa pag-alaga ng buhok. Pagkatapos maligo ay kaagad siyang humiga ng kama. Niyakap niya nang mahigpit ang stuffed toy na aso na pinangalanan niya’ng Jandro. Minsan ay nilalaro ito ni Kuro kaya napapanot ang balahibo. “Hay! Ale, kailan kaya kita ulit makikita?” nakangiting tanong niya sa stuffed toy. Lalo siyang na-excite nang malaman na naroon lang sa Pilipinas si Alejandro. Malaki ang chance na magkita sila ulit. Hindi pa siya natulog at itinuloy ang paghahanap ng social media account ni Alejandro. Marami itong kapangalan, kaapelyido pero iba ang mukha. Ang iba naman ay walang profile picture na tao, dummy account. Pero nag-send siya ng friend request sa lahat na may pangalang Alejandro. SA loob ng dalawang buwan na pagtatrabaho ni Aliya sa bar ay ilang beses din niya nakita si Benji. Minsan tuloy ay nagdududa siya rito. Masyado siyang mapanuri kaya inisip na sinusundan siya ng lalaki. Todo kaila naman ito. Sabado ng gabi ay muli niyang nakita ang vocalist ng banda na naggi-gigs sa bar, si Maya. Makuwela ito, madaldal kaya mabilis niyang nakapalagayan ng loob. Pagkatapos nitong kumanta ay nilapitan niya ito sa back stage. Nagtanggal na ito ng wig. “Ang galing mo talaga kumanta, Maya!” puri niya rito. “Salamat, Aliya,” anito. Naka-break siya kaya may pagkakataong gumala. Lumuklok siya sa bench katabi ni Maya at hinawakan ang kaniyang cellphone. Nagagamit lang niya ito sa tuwing break time at nakatago sa locker. Nang buksan niya ang cellphone ay napatitig si Maya sa screen. “Teka, sino ‘yang lalaki?” curious nitong tanong. Ang wallpaper kasi ng phone niya ay picture nila ni Alejandro. Kuha pa ito noong nasa night market sila at sumakay sa rides. Nakatatlong palit na siya ng cellphone pero nai-save talaga niya sa memory card ang pictures nila ni Alejandro. “Ah, siya ang kaibigan ko noon,” turan niya. Hinawakan pa ni Maya ang cellphone niya at mapalitang tinitigan ang picture. “Eh, kilala ko ‘yan!” bulalas nito. Nawindang naman siya. “Kilala mo si Alejandro?” gilalas niyang untag. “Oo, pero parang ang bata pa niya riyan? Medyo payat pa.” “Kuha ang picture na ‘to seven years ago.” “Hala! May nakaraan kayo ni Alejandro?” Nanlaki ang mga mata ni Maya. Inalipin naman siya ng kaba nang maisip na baka nakarelasyon ni Maya si Alejandro. Eksaherado kasi ang reaksiyon nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD