NAPAWI ang kaba ni Aliya nang malaman na kaibigan lang pala ni Maya si Alejandro. Napahaba na ang kuwentuhan nila.
“Alam mo kung saan nakatira si Alejandro?” nasasabik niyang tanong kay Maya.
“Oo, pero hindi ko sasabihin. Baka kasi magalit siya.”
Napalis ang kaniyang ngiti. “Bakit naman siya magagalit?”
“Eh, masyadong maingat sa identity ang lalaking ‘yon. Ayaw nga niya magbigay ng contact number.”
“Kahit social media account?”
Tumawa nang pagak si Maya. “Nako! Ewan ko ba sa taong ‘yon. Wala siyang social media account. Ni hindi nga ‘yon masyado marunong gumamit ng touchscreen na cellphone, nagpaturo pa sa akin kung paano mag-send ng picture.”
Hindi niya malaman kung matatawa o malulungkot siya. Noon pa man ay alam niya na hindi mahilig gumami ng cellphone si Alejandro. Iyong dating cellphone nito ay hindi touchscreen at mumurahin. Obvious na may problema bakit ayaw mag-share ng identity nito si Alejandro.
Aalis na sana si Maya pero pinigil niya sa kanang braso.
“Maya, please sabihin mo sa akin kung saan nakatira si Alejandro,” samo niya.
Napakamot ng ulo si Maya. “Tatanungin ko muna siya kung puwede kong sabihin. Mahirap na baka magalit ‘yon. Masama pa namang magalit ang isang ‘yon.”
“Sabihin mo ako ang gustong makita siya. Imposibleng nakalimutan na niya ako.”
“Sige, tatanungin ko siya once nakapunta ako sa bahay ng kaibigan niya.”
“Bakit? Hindi mo alam ang bahay ni Alejandro?” Naguguluhan na siya.
“Ang totoo, wala siyang bahay,” turan nito sabay halakhak.
Siya naman ang nagkamot ng ulo. Pinagluluko lang ata siya ni Maya. “Maya naman. Seryoso ako,” angal niya.
“Seryoso rin naman ako, ah. Wala namang bahay si Alejandro, nakikitira lang sa mga kabigan niya.”
Napaisip tuloy siya. Baka nagtatago pa rin si Alejandro sa tatay nito. Nagpaalam na sa kaniya si Maya.
Hindi na siya mapakali at atat na makita si Alejandro. Saktong pagbalik niya sa puwesto sa may gilid ng pintuan ay may mga lalaking nagsusuntukan sa harap ng bar counter.
“Mga letsugal kayo!” bulalas niya.
Busy sa labas ang isang bouncer na lalaki kaya siya na ang sumugod sa anim na kalalakihan na ayaw paawat. Mga lasing na ito kaya hirap siyang awatin. May isang siga na gustong makaganti sa isang lalaki na lumayo na nga.
Hahabulin sana nito ang isang lalaki na inawat na ng mga kasama pero hinarang niya at hinuli sa mga braso.
“Umalis ka sa daanan ko, babae!” singhal nito sa kaniya.
“Magtigil ka!” asik din niya.
“Ang tapang mo, ah!”
Akmang sisipain siya nito pero hinarang niya ng tuhod ang paa nito at pinihit ito patalikod sa kaniya, saka niya pinilipit ang mga kamay nito sa likuran. Itinukod niya ang kaniyang kanang tuhod sa likod nito.
“Sige! Palag ka pa, babaliin ko ang spinal cord mo!” banta niya rito.
“Ugh! Bitawan mo’ko!” sigaw nito.
Tutulong pa sana ang isang kasama nito at akmang susuntukin siya pero tinadyakan niya sa sikmura kaya tumalsik.
“Huwag n’yo ‘kong angasan, mga hinayupak kayo!” gigil niyang usal.
Nilakasan pa niya ang pagpilipit sa mga braso ng lalaki nang pumalag. Lumagutok ang mga buto nito sa siko.
“Ahhh! Tama na!” sigaw nito.
Pinakawalan din niya ito pero tiniyak na hindi na makapalag. Kinabitan niya ng posas sa mga kamay nito. May posas talaga silang nakahanda para sa ganoong sitwasyon. Humupa rin ang kaguluhan.
Napainom ng energy drink si Aliya matapos maawat ang mga lalaki. Pinaubaya na niya ang mga ito sa lalaking bouncer. Nakalibre naman siya ng isang cocktail bago matapos ang duty.
“Mga tukmol!” angil niya sa mga lalaking parang basang sisiw na lumabas ng bar, lulugulugo na.
Nilapitan siya ng isang bartender na lalaki at hinilot sa likod. “Angas mo, idol! Puwede ka na sumali sa MMA tournament!” sabi ni Tomas. Kaedad lang ito ni Aljon kaya na-miss niya ang kapatid.
“Kainis, eh! Matatapang lang maman ang mga ‘yon kung nakainom ng alak,” hindi pa naka-move on na sabi niya.
Mayamaya pagkatapos ng duty ni Aliya ay napansin na naman niya si Benji. Palabas na rin ito ng bar. Lalo tuloy siyang nagduda. Nag-disguise siya at itinago ang kaniyang buhok sa ballcap. Nagsuot din siya ng makapal na itim na jacket at kumilos lalaki.
Pasimple niyang sinundan si Benji. Lumpait ito sa itim na kotse na huminto sa unahan ng bar. Tumayo siya sa waiting shed malapit sa kotse at tumabi sa lalaking nakatayo. Inabangan niya ang pagbukas ng bintana ng kotse sa passenger seat. Hindi makita ang driver.
Kinausap ni Benji ang driver. Nag-e-English ito. Lumapit pa siya upang masilip ang loob ng kotse pero bahagyang nakayuko. Nang tingnan niya ang loob ng kotse ay nakita niya ang lalaking nakaupo sa harap ng manibela. Natigilan siya nang mapamilyar ang bulto nito, hahit madilim sa loob.
Nag-angat pa siya ng mukha upang mas makita ang loob ng kotse. Kaso biglang nagsara ang bintana. Tumalikod siya nang dumaan sa tapat niya si Benji. Umalis na rin ang kotse.
INIHINTO pa ni Alejandro ang kotse sa tapat ng bar kung saan pumasok si Benji. Doon umano nagtatrabaho si Aliya. He waited for Benji to come out. Sabi kasi nito ay pauwi na si Aliya.
Mayamaya ay tumawag si Benji. Sinagot naman niya ito.
“Why?” he asked.
“Nakaalis na si Aliya, sir. Baka nagkasalisi kami,” sabi nito.
“That’s okay. Keep following her, but be careful. Once nakahalata siya, keep a distance.”
“Copy, sir. Pero hanggang kailan ko pa susundan si Ms. Aliya?” pagkuwan ay tanong ni Benji. Mukhang naiinip na ito.
He sighed. “Until Black Mamba has been caught. Sabi mo kasi may napansin kang kahinahinalang grupo ng mga lalaki na nakamasid din sa apartment ni Aliya.”
“Yes, sir. Pero nitong buwan, wala naman na sila. Baka wala silang napala at tumigil na. We should stop following Ms. Aliya, sir. Obvious na nagdududa na siya sa akin. She’s good at observation. Mukhang hindi naman na niya kailangan ng proteksiyon. Mas magaling pa siya sa self-defense kaysa sa akin,” amuse na sabi ni Benji.
“Okay. Once we catch Black Mamba, you can stop following Aliya.”
“Sige, sir!”
He ended the call. Pinausad na rin niya ang kotse at umuwi. May paghahanda pa siyang gagawin para sa paglusob sa headquarters ni Black Mamba.
Samantalang hindi naging madali ang paglusob nila Alejandro sa headquarters ni Black Mamba. Isa ito sa pinakamahirap nilang kalaban, in his entire mission since he entered the Black Horn Organization. Partida, nagsama-sama pa silang apat na mafia boss at golden badge member ng BHO.
Black Mamba was a dangerous and skilled mafia boss who could manipulate the situation. They've been trapped in his territory. May mga armas din kasi ang mga ito kagaya ng gawa niya, maging ng IED. Curious pa rin siya kung sino ang nasa likod ng pagkopya sa mga original IEDs niya. Na-kidnap kasi ni Black Mamba si Annie na asawa ni Vladimir. Gusto nitong makuha si Annie, na matagal nitong inasam. Pero malas nito, may mga baon din naman silang skills.
After the successful mission, Alejandro asked his allies to take a break from the BHO missions. Since nakakulong ang isang miyembro nilang si Wallace, itinago na nila lahat ng secret files upang huwag masilip ng mga pulis. Nasa target list na kasi sila ng mga pulis sa Pilipinas.
He needs to focus on his plan to start wrecking his father’s plans. But he can’t do this without the help of his allies. Iyon naman talaga ang dahilan niya bakit siya pumasok sa BHO, ay upang makakuha ng suporta at mapalakas ang puwersa. Nangako naman sina Vladimir at Yoshin na tutulungan siya. Of course, he was helping them, too.
Isang linggo pagkatapos ng madugong misyon sa pagdakip kay Black Mamba ay nag-focus si Alejandro sa paggawa ng bagong explosive device. Binago niya lahat ng formula sa IED at ibang devices. Kauuwi lang niya mula Subic Bay at nagulat siya nang madatnan si Maya sa bahay niya.
Opisyal nang nailipat ni Vladimir ang titulo ng bahay at lupa nito sa kaniya. Bayad umano nito iyon sa pagtulong niya sa pagligtas kay Annie.
“Why are you here?” kunong-noong tanong niya kay Maya.
Naging kaibigan na nila ito, na dati’y extra spy lang nila at empleyado ng leader nila’ng si Yoshin.
Nagwawalis sa labas ng bahay si Maya. “Nag-extra akong naglinis sa bahay nila Vladimir. Matagal ka raw wala kaya nilinis ko itong bakuran mo,” sabi nito.
“Thanks.” Binuksan na niya ang backseat ng kotse kung saan nakasakay ang tatlong aso niya. Nagsitakbuhan naman ang mga ito palabas.
“Siya nga pala, Ale, may sasabihin ako,” ani Maya.
“What?” Inilabas na rin niya ang kaniyang bag at ibang bagahe.
“Matagal ko na ‘tong gustong sabihin sa ‘yo kaso palagi kang busy at umaalis.”
“Ano nga? Bilis!” naiirita niyang sabi.
“Sungit naman nito,” angil nito.
“You’re wasting my time, Maya. I’m tired.” Tinalikuran na niya ito.
“Gusto kang makita ni Aliya!” pasigaw nitong sabi.
Napahinto siya bigla sa paglalakad. It’s been a while. Hindi niya naisip si Aliya at pinatigil na niya si Benji sa pagsunod dito. He thought it’s over. Pumihit siya paharap kay Maya.
“Do you know her?” kunot-noong untag niya.
“Oo naman! May gigs din ako madalas sa bar na pinagtatrabahuhan niya. Nakita ko noon sa phone niya ang picture ninyong dalawa. Kaya umusisa ako. May nakaraan pala kayo, eh.” Pilyang ngumiti si Maya.
“She’s nothing. She was just part of the past.” Tinalikuran niya ulit si Maya at lumapit siya sa pintuan.
“Obvious naman na mahalaga ka pa rin kay Aliya. She kept your picture, and she’s hoping to see you again. Alam ko mahalaga ang nakaraan ninyo at--”
“Cut it off! Don’t mention it again!” he shrieked, na biglang nagpatigil kay Maya sa pagsasalita.
Nang mabuksan ang pinto ay diretso ang pasok niya, sabay sipa pasara sa pinto. Tumuloy na siya sa kuwarto sa second floor at naligo sa banyo roon. Isinahod niya ang hubad na katawan sa ilalim ng shower. He came too far for his goal, and he won’t allow any distractions. He won’t let Aliya come across his life again.
But later on, when he closed his eyes, Aliya’s face suddenly crossed his mind. “F*ck!” he cursed.