Chapter 10

2528 Words

NANLUMO si Aliya nang muli niyang makausap si Maya sa bar. Nakausap na umano nito si Alejandro pero nagalit ang binata. Ayaw umano ni Alejandro na makausap siya o makita. Wari nagkapira-piraso ang kaniyang puso nang maisip na tuluyan na siyang nilimot ng binata. Ilang taon siyang naghintay, umasa na magkikita ulit sila ni Alejandro at matuloy ang naudlot nilang relasyon. Nag-assume pa naman siya na gusto na siya noon ni Alejandro. Pero ano’ng nangyari rito? May nagawa ba siyang kasalanan dito? Wala siyang maalalang mali sa huling pag-uusap nila bago ito umalis. Hindi niya napigil ang bugso ng damdamin at pumasok ng banyo. Doon ay naibuhos niya ang luha at humagulgol. “Bakit, Ale? Bakit ayaw mo na akong makita?” humihikbing tanong niya sa kawalan. Pagdating kay Alejandro, napakarupok niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD