KAPAPASOK lang ni Aliya sa trabaho ay may naghihintay na bisita sa kaniya. Nagtataka naman siya at unang inisip ay si Benji. Matagal na itong hindi nagawi roon sa bar. Bago sumalang sa trabaho ay hinarap niya ang lalaking naka-suit, medyo bata pa. Inalipin siya ng kaba nang maisip na baka si Mr. R ito o tauhan nito. Lumuklok siya sa silya katapat ng lalaki. May tinutungga itong beer. “Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo, sir?” magalang niyang tanong. “Pasensiya na sa abala. Ako pala si Roki, napag-utusan lang ng boss ko,” sabi nito. “Sinong boss?” Tumahip na ang kaniyang dibdib. “Si Vladimir Morelli po. Isa siyang businessman at may asawang doktor. May staff kasi siya na nakapansin sa abilidad mo habang umaawat ng mga lasing. Gusto kang kunin ni Boss na assistant ng asawa niya sa c