NAKATULOG kakaiyak si Aliya dahil sa sama ng loob. Ginising lang siya ng pagdila ni Kuro sa kaniyang pisngi. Humihilab na ang kaniyang sikmura kaya napilitan siyang bumangon. Alas-dos na ng madaling araw at hindi pa siya nakapaghapunan. Kumain lang kasi siya ng pancit bago nagtungo sa bahay ni Alejandro. May sinaing naman siya kaya nagbukas siya ng lata ng sardinas. Nagtimpla na rin siya ng kape. Wala siyang ibang gamit doon kundi rice cooker at water heater na di-kuryente. Bumibili lang siya ng lutong ulam sa labas. Humingi ng pagkain si Kuro kaya binigyan niya ng cat food. Habang kumakain ay wari bato ang kaniyang isisunusubo at hirap siyang lunukin. Ginupo na naman kasi siya ng mabigat na emosyon nang maisip kung paano siya itaboy ni Alejandro. Wala pa rin siyang maisip na dahilan bak