EXCITED na si Aliya na makapunta sa bahay ni Mr. Morelli. Nakapag-resign na siya sa trabaho at nakuha na ang isan niyang buwang sahod. Nag-impake na rin siya ng kakarampot niyang gamit sa apartment at hinihintay na lang ang susundo sa kan’ya. Katatapos lang ng huling duty niya sa bar at hindi pa siya natutulog. Nasabi naman niya kay Mr. Morelli ang kaniyang address. Papupuntahin umano nito ang driver nito para sunduin siya. Hindi siya excited sa bagong trabaho, kundi ang mapalapit kay Alejandro. Wala siyang pake kung itaboy siya nito ulit, lalaban na siya. Makalipas ang halos isang oras na paghihintay ay may dumating na itim na kotse sa tapat ng apartment. Sumilip siya sa bintana at inabangan na bababa ang driver. Nang makita ang tauhan ni Mr. Morelli na si Roki ay napapiksi pa siya sa k