NAKATULOG si Aliya sa kuwarto matapos umiyak. Hinatid lang siya roon ni Alejandro pagkatapos ng madamdaming pag-uusap nila hinggil sa kaniyang ama. Gabi na nang magising siya at halos hindi niya maimulat ang mga mata dahil sa labis na pamumugto. Mayamaya ay bumukas ang pinto pero naunang pumasok si Kuro kasunod si Kuzan. Kaagad sumampa ang mga ito ng kama at dinaganan siya. “Hoy! Ano ba!” angal niya. “Let’s eat, Aliya,” paanyaya naman ni Alejandro. Pumasok na rin ito. “Paano ako babangon? Dinaganan ako ni Kuzan.” “Kuzan, on the floor!” utos naman ni Alejandro sa aso. Tumalima naman si Kuzan at bumaba ng kama. Tinahol siya nito, tila nagsasabi na kailangan na niyang bumangon. “Oo na, babangon na po!” aniya. Bumaba na rin siya ng kama at pumasok ng banyo. Nagpalit lang siya ng short