KABADO pa rin si Aliya sa oras ng hapunan. Kasabay ulit nila si Enel at ibang opisyales. Mayamaya siyang sinisipat ni Enel at tila inuobserbahan ang kaniyang kilos. Hindi naman niya ito masisi kung may trust issue na sa kaniya. Dismayado ito noong mahuli siya na nag-e-ispiya rito. Kamuntik pa siya nitong hulihin noon at ikulong, mabuti naawa ito sa kan’ya matapos niyang magpaliwanag. Kailangan lang niyang himukin pa si Enel upang makiisa sa kaniya. Masyado pang kumplikado para malaman ni Alejandro ang kaniyang sikreto. Titiyakin muna niya na hindi mapapahamak ang nanay niya bago magsumbong kay Alejandro, kaso mukhang dadaan pa siya sa butas ng karayom. Pagkatapos ng hapunan ay sumama si Aliya kay Alejandro sa laboratory. Iniwan niya si Kuro sa cage nito na hiwalay sa mga aso. May pagkain