MABILIS na nagtanggal ng benda sa mga kamay si Aliya. Pagkatapos ay binuhat niya si Kuro at tumakbo pasunod kay Alejandro. Ang bilis nitong maglakad. “Bakit? Magluluto ba ako?” tanong niya nang may isang dipa na lang ang agwat niya kay Alejandro. Hindi ito umimik. Pagdating sa lobby ay diretso sila sa elevator at sumakay. “Galit ka ba?” tanong niya habang nakatingala sa seryosong mukha ni Alejandro. “Ilang oras ka na nasa gym?” usisa nito pero hindi makatingin sa kaniyang mukha. “Ano, wala pang isang oras. Gusto ko lang namang masubukan ang mga gamit sa gym. At saka na-miss ko ang martial arts. Naabutan ko si Russo na nagsasanay rin kaya hinamon ko sa duwelo.” “You should ask me first before doing anything here, Aliya. Hindi lahat ng tao rito ay kilala ka na. And mostly here are men