ALEJANDRO can’t help but feel anxious as he thinks about Aliya’s odd behavior. She’s uneasy and can’t even talk while they are in the kitchen. Naghahanda na sila ng tanghalian katuwang sina Chase at Rona. Si Rona ang lesbian nilang cook at agent. “Maghahain na ako ng food sa lamesa,” sabi ni Aliya. Hinakot na nito ang mga nalutong pagkain sa dining. Tumulong na rin siya sa paghakot ng ibang kubyertos. Naroon na sa harap ng hapag sina Yoshin at Enel na nag-uusap. May nilulutong plano ang mga ito tungkol sa pagsabutahe ng international operation ng business ng daddy niya. Katabi niya sa upuan si Aliya at hindi mapakali kaya nadi-distract siya. Natatamaan din siya ng siko nito sa braso. “Ang likot mo, Aliya,” mahinahong sita niya sa dalaga. Sinipat lang siya nito pero tuloy ang pagsubo n