PARANG kinikiliti ang puso ni Aliya habang pasan siya ni Alejandro sa likod nito at diretso sa kaniyang kuwarto. Dahandahan siya nitong ibinaba sa kama. Hindi pa siya bumitiw rito kung hindi nito sapilitang kinalas ang mga lamay niya sa leeg nito. “Stop playing, Aliya. Marami akong trabaho, huwag kang manggulo,” ani Alejandro. “Panggugulo ba ang ginagawa ko? Inaaliw kita para hindi mo maramdaman ang pagod. After ng work mo, kakain ka na lang, maliligo, matutulog. Mamaya ay imamasahe ko ang likod mo.” “Tumigil ka. Pareho lang tayong pagod.” Itinabi nito ang dalang mga damit sa lamesa. Isusuot marahil nito ang mga iyon pagkatapos maligo. “Eh, ‘di mamasahehin mo rin ako. Palitan tayo para masaya,” aniya. “Ang dami mong alam. Maghain ka na ng pagkain.” Tumayo naman siya nang tuwid at sum