SINUBUKAN ulit kumbinsihin ni Aliya si Alejandro na tanggapin ang deal ni Romano. “Stop talking nonsense. Sleep,” sabi lang nito. Humiga na ito ng kama at tumalikod sa kaniya. “Oo na.” Hirap tuloy siyang matulog dahil obvious na wala nang interes si Alejandro sa deal ni Romano. Kating-kati na siyang pilitin ito at magmakaawa pero ang daming negatibong bagay na gumugulo sa kaniyang isipan. Mag-uumaga na nakatulog si Aliya kaya late na siyang nagising. Mabuti hindi naman siya pinilit ni Alejandro na gisingin. Ang problema niya ay obligado siyang bumangon at nagyaya kaagad ang binata na mag-jogging. “Ano ba kasi ang gagawin natin?” malamya niyang tanong. Inapura rin siya nitong magbihis ng jogging pants at t-shirt na fit. “I will train you, a military training. Itali mong maigi ang bu