NANGINGINIG ang kamay ni Aliya habang nagtitipa sa kaniyang cellphone. Pinagmumura niya sa chat si Mr. R. “Aliya, are you okay?” tanong ni Alejandro. Kumislot siya at dagling isinilid sa bag ang kaniyang cellphone. Panay ang buntonghininga niya upang mapakalma ang kaniyang sistema. Pilit siyang ngumiti sa binata. “Ah, oo naman,” tugon niya. “Palubog na ang araw. Shall we go?” “S-Sige.” Tumayo na siya at binuhat si Kuro. Naglakad sila patungo sa parking lot. Dumagsa na rin ang mga tao kaya hindi na siya komportable. Dumaan pa sila ni Alejandro sa supermarket at namili ng stock sa kusina at ibang personal na gamit. Inabot din sila ng halos isang oras sa store sa dami ng tao. Naiwan sa kotse ang mga alaga nila mabuti natulog lang ang mga ito. Nakabukas naman nang bahagya ang bintana ng